in

Undocumented bilang Seasonal workers? Ang posibilidad ng Regularization, pinang-uusapan

Sa paglipas ng mga araw ay palaki ng palaki ang posibilidad ng regularization o sanatoria para sa mga undocumented na dayuhan na nasa bansa. Ang dahilan nito marahil ay ang tumitinding pangangailangan sa mga manggagawa sa panahon ng anihan na apektado din ng coronavirus, na siguradong magiging malaking tensyon sa pagitan ng Majority at Opposition.

Ang mga seasonal workers na Europeans ay umalis na ng bansa sa paglala ng krisis pangkalusugan. Ngunit ang agrikultura ay hindi makapaghihintay. At ang mga undocumented umano ay ang posibleng solusyon para sa agirikultura. 

Sa katunayan, ayon sa ulat ng Il Giornale, sa mga Ministries of Agriculture, Labour, Interior, Economy at Justice ay umiikot diumano ang isang confidential draft na binubuo ng 18 artikoli kung saan nasasaad ang posibleng regularization ng mga undocumented.

Ang artikuli 1 ay nagsasaad diumano ng: “Upang matugunan ang kakulangan sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura, ang sinumang nais na mag-empleyo sa ilalim ng subordinate contract ng mga dayuhang mangagagawa na nasa bansang Italya, na hindi regular ang kundisyon ng pananatili sa bansa, ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa Sportello Unico per l’immigrazione. Ang kontrata ay hindi lalampas sa isang taon at maaaring i-renew sa pamamagitan ng bagong employment”. 

Bagaman hindi ito tumutukoy sa isang Regularization, ang konsepto nito ay nananatiling pagbibigay ng posibilidad sa mga undocumented.

Ito ay matapos i-anunsyo ni Agriculture Minister Teresa Bellanova ang matinding pangangailangan sa tinatayang mula 270,000 hanggang 350,000 mga seasonal workers.

Kaugnay nito, ayon kay Coldiretti president Ettore Prandini, ay malubha na umano na ang sitwasyon. “Nanganganib na masayang ang 35% ng mga aanihin. Ayon sa Confederazione Nazionale Coltivatori Diretti o Coldiretti, nanganganib ang anihan sa mga Probinsya ng: Bolzano at Trento para sa mga strawberries, mansanas at ubas; Verona para sa asparagi, Cuneo para sa peaches, kiwi at susine; Foggia para sa mga kamatis, broccoli at repolyo“. 

Kaugnay nito, hindi lahat ay sang-ayon sa mga undocumented bilang seasonal workers. Itinutulak din ni Prandini ang programa ng Coldiretti na ‘Job in country’ na babayaran ng vouchers, kung saan nakatanggap na umano ng 500 requests mula sa mga manggagawang nasa Cassaintegrazione at mga unemployed. “Sa loob ng 20 araw ay maaaring makatanggap ng libu-libong aplikasyon at mas simpleng prosedura”. 

Gayunpaman, ang mga labor unions ay hindi rin sang-ayon sa paggamit ng mga vouchers. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Licenzimento sa domestic sector, tumaas ng 30% sa unang 15 araw ng Abril

Gaano kahalaga ang 200 dolyar tulong pinansyal ng DOLE?