Ang Inps ay humihingi ng mula 24 oras na trabaho kada linggo. 300,000 mga colf, caregivers at babysitters ang hindi makikinabang ng NASPI. Acli Colf: “Ito ay isang diskriminasyon”.
Rome, Oktubre 21, 2015 – Ang unemployment allowance o assegno di disoccupazione na ngayon ay tinatawag na Naspi ay ibinibigay hanggang dalawang taon. Sayang at ito ay hindi pakikinabangan ng maraming colf, caregivers at babysitters na mawawalan ng trabaho. Ang isa sa mga ketgorya na itinuturing na ‘mahina’, na karaniwang binubuo ng mga imgrante na nasa kundisyong mas mababa ang proteksyon.
Ito ay dahil sa Jobs Act, ang pinaka-bagong reporma sa trabaho, na simulang ipinatupad noong Mayo ang Nuova Assicurazione Social Per l’Impiego o NASPI: Upang ito ay matanggap ay kailangang tinanggal sa trabaho, nakapagbayad ng pinakamababa ng 13 linggong kontribusyon sa huling apat (4) na taon at nag-trabaho ng kahit 30 araw sa loob ng 12 buwan bago mawalan ng trabaho.
Para sa mga domestic workers ay hindi madali ang masuri ang requirement ng 30 araw. Dahil ang mga employer ay ipinagbibigay-alam lamang sa Inps ang kabuuang oras ng trabaho kada linggo at hindi kailangang tukuyin kung paano ito hinahati sa loob ng isang linggo.
Upang malampasan ito ng Inps na syang nagbibigay ng allowance ay nagpasyang magbigay sa mga domestic workers ng ibang requirements, batay sa oras. Partikular, ipinaliwang ito ng Inps sa pamamagitan ng isang Circular noong Hulyo, na maaari lamang makatanggap ng Naspi ang sinumang, sa labindalawang (12) buwan bago matanggal, ay nagtrabaho ng minimum na limang (5) linggo na may minimum na oras na ipinag-trabaho kada linggo na katumbas ng 24 oras.
Ngunit ang problema ay ang datos pa rin ng Inps ang nagsasabi na sa 900,000 domestic workers na nagbayad ng kontribusyon ay halos 300,000 ang nagta-trabaho ng mas mababa sa 24 oras kada linggo.Para sa one third ng bilang ng mga colf, caregivers at baysitters samakatwid, ang unemployment allowance ay isa lamang ilusyon: kung mawawalan ng trabaho ay hindi makakatanggap ng kahit na 1 euro, sa kabila ng kontribusyong naibayad.
“Ang requirements ng 24 hrs kada linggo ay isang diskriminasyon na apektado lamang ang mga domestic worker at hindi ang mga workers sa ibang sektor. Sila ay itinuturing na ikalawang kategoriya ng mga manggagawa sa kabila ng pagtitibay ng ILO convention sa Italya “, ayon kay Raffaela Maioni, ang national head ng Acli Colf sa Stranieriinitalia.it
Bukod dito, ang datos ng Inps, ayon sa asosasyon, ay apektado ang mga part-timers na domestic workers sa kabila ng pagkakaroon ng mahabang panahon na sa serbisyo sa kabaligtaran ay pinapaboran ang mga nag-trabaho lamang sa huling taon. Lalong higit, ay hindi isina-alangalang na ang domestic job sa Italya ay ang sektor kung saan mataas pa rin ang lavoro nero o irregular job.
“Maraming mga domestic workers ang nakatala na nagta-trabaho ng mas mababa sa24 oras ngunit sa katotohanan ay nagta-trabaho ng higit sa 24 oras. Ang problema – paliwanang ni Maioni – sa kasalukuyang krisis maraming pamilya ang nagre-report ng mas mababng oras ng trabaho upang makatipid sa kontribusyon, ang iba naman ay hindi talaga gumawa ng denuncia ay ipinagta-trabaho na lamang ng ‘nero’.