in

Unibersidad – Hanggang March 11 ang pagpapatala sa entrance exam ng mga quota course

Ang mga aspiring doctors, dentists, veterinarians at architects ay kailangang magpa-book kahit pa nasa sariling bansa. Gagawin lahat online sa pamamagitan ng universitaly.it. Nakatakda sa April 7 ang Italian language exam.

Roma, Pebrero 21, 2014 – Ang sinumang naghahangad na maging doctors, dentists, veterinarians at architects sa Italya ay kailangang gawin ang mga unang hakbang. Hanggang March 11, alas 3 ng hapon (GMT +1) ay kailangang magpa-book para sa entrance exam ng mga nabanggit na kurso.

Sa taong ito, ang mga exam ay sisimulan ng mas maaga kumpara sa nakaraan: April 8-10 at samakatwid ay sisimulan din ng mas maaga ang pagpapatala. Lahat ay gagawin online sa pammaagitan ng universitaly.it, i-click lamang sa homepage ang ““Accesso programmato 2014”. Una sa lahat ay kailangang mag-rehistro. Email address at password ang kinakailangan upang mai-fill up ang aplikasyon.

Ang nabanggit na proseso ay para rin sa mga dayuhang mag-aaral, para sa mga regular na naninirahan sa Italya at maging sa mga nakatira sa sariling bansa na naghahangad na nakapag-aral sa Italya sa susunod sa academic year. Para sa huling nabanggit, ay nakalaan ang ilang reservations sa bawat kurso, pati na rin ang karagdagang exam ng Italian language, na nakatakda sa April 7.

Paano gagawin ang exams ng mga mag-aaral na naninirahan sa labas ng Italya? Simple lamang ang kasagutan, kailangan nilang magtungo ng Italya. Para sa karamihan ay kinakailangan ang entry visa for short stay, na ina-aplay sa Italian embassy lakip ang resibo o katibayan ng naging pagpapa-book ng exams. At dahil sa panahong hinihingi ng mga embahada o konsulado, ay ipinapayo ang maagap na pagsasaayos ng papeles. Ang mga papalarin, ay makakapasok ng mas madali, salamat sa magiging kasunduan sa pagitan ng Italya at ng sariling bansa, kung saan nasasaad ang exemption sa entry visa.

Para sa lahat ng mga naghahangad na mag-aaral, gayunpaman, ay hindi nagtatapos dito ang mga requirements. Mula Marso 24 sa katunayan ay kailangang isumite, sa pamamagitan ng embahada o konsulado, pre-enrollment form ng napiling unibersidad. Ito, gayunpaman, ay isa pang hakbang, na ating tatalakayin sa susunod.. One step at a time, ika nga!

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maternity at big family benefits sa taong 2014

Sinagtala Band, sa isang concert for a cause!