in

Unibersidad – June 30, deadline ng pre-enrollment

Pre-enrollment sa mga Embahada at Konsulado. Matatagpuan online ang mga unibersidad, ang kalendaryo ng mga dapat gawin pati ang manual na inilathala ng Ministry of University. 
 

Roma – Ang mga dayuhang mag-aaral na residente sa ibang bansa (hindi sa Italya) ay mayroong isang buwang nalalabi upang gawin ang pre-enrollment sa mga unibersidad para sa academic year 2014/2015
 
Una sa lahat, ang mga naghahanggad na mag-aaral  buhat sa ibang bansa ay kailangang piliin kung saan mag-aaral, at ipinapayong silipin muna ang availability ng mga unibersidad. Lahat ay matatagpuan online:  http://www.studiare-in-italia.it/studentistranieri/ na nahahati sa dalawang database, ang una para sa university sector at ang ikalawa ay para sa non-university sector o higher formation sa Sining. 

 
Matapos pumili, ay kailangang gawin ang pre-enrollment sa mga Embahada at Konsulado ng Italya sa sariling bansa, lakip ang mga papeles o dokumento na matatagpuan sa isang gabay na inilathala kamakailan ng Ministry of University sa nabanggit na website. Ang pre-enrollment ay matatapos sa June 30. Gayunpaman, ipinapayong tanungin ang mga detalye sa mga konsulado. 
 
Konsulado ang magpapadala ng ginawang pre-enrollment sa mga unibersidad at sa katapusan ng Agosto ay bibigyan ng entry visa ang mga mag-aaral na matatanggap para sa Italian language exam na nakatakda sa Setyembre 2, at entrance exam. Ang sinumang papasa sa mga exams na nabanggit ay magpapatuloy bilang ganap na mag-aaral at maaaring mag-aplay para sa permit to stay para sa pag-aaral. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Permit to stay hindi kailangan sa enrollment – Ministry of Education

Gunitain ang Sariling Bayan Natin (Sa Araw Ng Kalayaan)