Isang obligasyon para sa sinumang pumili ng kursong Medicine, Dentistry, Veterinary o Architecture. Kailangan pa ring gawin maging ang pre-enrolment sa Italian Embassy sa sariling bansa.
Roma, Mayo 14, 2013 – Magtatapos ang pre-enrolment sa nalalapit na June 21 para sa mga dayuhang naninirahan sa labas ng bansang Italya na nagnanais na pumasok sa unibersidad sa Italya. Ang mga kabataan, (tulad nang paliwanag sa pahinang ito), ay kailangang pumili ng kurso at paaralan, magpatala sa pamamagitan ng Italian Embassy, hintayin ang entry visa.
Ang sinumang pumili ng quota course o ng mga kursong nabanggit ay kailangang sundin ang prosesong ito at huwag kalimutang magpatala rin online, hanggang alas 3 ng hapon ng June 7, 2013 para sa entrance exam na gaganapin sa katapusan ng July.
Mag log-on lamang sa www.universitaly.it, ang website na ginawa ng Ministry of University at mag-register at gawin ang prenotation online ng entrance exam. Samantala simula naman May 20, 2013, ay maaaring mag-review sa tulong pa rin ng website na nabanggit.
Kamakailan ay inilathala ang resulta ng EMN kung saan nabanggit na ang Italya ay nananatiling hindi nakaka-akit sa mga international students, na sa kasalukuyan, sa mga unibersidad sa Italya ay mayroong nakatalang halos 80,000 EU and non-EU students. Isang sitwasyon na nauugnay sa mabusising enrolment at paraan ng pagpasok sa bansang Italya, kakulangan ng scholarship, tirahan at english course at kakulangan ng angkop na propesyon sa Italya.