Ang bilang ng dayuhan ay tataas ng 23%
Roma – August 17, 2010 – Sa Italya, ang mga dayuhang manggagawa na pumasok at nagtatrabaho sa mga ahensya o kompanya ay nadagdagan at ang bilang ng mga ito ay tumaas mula 158.600 noong 2009 hanggang 181.000 sa taong ito.
Ito ang pahayag sa report ng Excelsior UnionCamere – Ministero del Lavoro.
Ang naging epekto umano ng pagtaas ng bilang ng mga manggagawang dayuhan ay umabot sa halos 23% na nakakuha ng trabaho sa mga kompanya samantalang may halos 0,3% na empleyadong italyano lamang ang may kontrata sa mga kompanya.