Gagamitin sa dalawang buwang experimental period ang multipurpose velcro straps sa deportasyon ng mga undocumented. Narito ang gabay.
Rome, Enero 22, 2016 – Tinatawag na “multipurpose velcro straps ” ang gagamitin ng mga awtoridad sa panghuhuli sa kanilang pangongontrol o sa mga dayuhang undocumented na papatalsikin ng pwersahan.
Ito ay tumutukoy sa mahabang pirasong itim na nylon na may velcro straps, sapat ang haba upang matalian ang pulso, braso o binti, bilang alternatibo o pangdagdag sa posas. Isang instrumento na ginagamit na sa ibang bansa ngunit ito ay sisimulan pa lamang gamitin sa Italya.
Ang experimental period ng paggamit nito ay magsisimula sa Jan 26 at magtatagal ng dalawang buwan. Ito ay gagamitin ng mga immigration officers ng mg himpilan ng pulis o Questura sa Milan, Rome at Turin na responsabile sa deportasyon at ng mga border police sa Fiumicino, Linate at Malpensa airports.
Ang gabay sa pagdadala at paggamit ng nasabing multipurpose velcro straps ay ipinadala kamakailan ng Department of Public Security sa mga concerned offices. Kabilang sa mga halimbawa ng gamit nito ay “sa pagpapatupad ng sapilitang pagpapatalsik o deportasyon ng mga mamamayan ng third countries tulad ng makikita sa larawan kung saan ang isang lalaki ay nakaupo at nakatali ang mga kamay sa pagitan ng dalawang pulis na hawak ang braso ng nito.