Ito ay nasasaad sa isang note ng Ministry of Interior.
Rome, May 29, 2013 – "Kung ang isang dayuhan ay nagtataglay ng isang regular na permit to stay at natutugunan ang mga kinakailangan sa pagpasok at pananatili sa ilalim ng artikulo 5 ng Schengen Convention, ang dayuhan ay maaaring magtungo at maaaring manatili sa Germany, tulad sa iba pang Member State, ng tatlong buwan at makalipas ang panahong nabanggit, ang awtoridad ng German ay kailangang pabalikin sa Italy.” Ito ang naging pahayag ng Interior Ministry.
"Kaugnay sa ilang balita ukol sa pananatili ng mga imigrante sa Amburgo, ang mga concerned departments ng Ministry of Interior ay nilinaw na noong nakaraang May 17 ay ginanap sa Berlin ang unang pagpupulong ng Task Force Italy-Germany ukol sa imigrasyon at asylum”, tulad ng mababasa sa note, “Inilarawan ng Italya ang mga hakbang makalipas ang pagtatapos ng North Africa emergency noong Dec 31, 2012.
Partikular, ay sinigurado ang patuloy na pagtanggap sa mga helpless at sa mga naghihintay ng pagsusuri ng kanilang mga posisyon kahit sa pamamagitan ng kolaborasyon ng mga local entities: ipinagkaloob sa mga may karapatan ang permit to stay batay sa uri ng International protection at ang travel document alinsunod sa kasalukuyang regulasyon; sinimulan rin ang proseso ng muling reintegration sa sosyedad at trabaho, bukod dito ang tanggapan ng Tavolo di Coordinamento Nazionale ay nagpasya ng pagbibigay ng 500 euros, mula sa SPRAR, bilang kontribusyon sa mga pangunaghing pangangailangan at bilang suporta sa proseso ng integrasyon sa Italya; at para sa panukalang ito ay eksklusibong ginamit ang national funds; upang matugunan ang rimpatrio volontario assistito”.
"Kaugnay ng pananatili sa Germany ng mga third country citizens na mayroong permit to stay galing Italya, ang delegation ay binigyang diin na ang mga dokumento ay ipinagkaloob matapos ang pagsusuri sa bawat kaso alinsunod sa batas ng EU”, pagtatapos ng note, “Malinaw na, kung ang dayuhan ay mayroong balidong permit to stay at natutugunan ang mga kinakailangan para sa pagpasok at paninirahan sa ilalim ng art. 5 ng Schengen Convention, ang dayuhan ay maaaring magpunta at manatili sa Germany, tulad ng ibang Member State ng tatlong buwan at makalipas ang nabanggit na panahon, ang awtoridad ng Germany ay dapat pabalikin sa Italya”.