in

“Walang direct hire para sa subordinate job, dahil walang demand nito” Cancellieri

Ang Ministry of Interior sa Commission on Human Rights : “Ang sitwasyon ng trabaho ay nananatiling dramatiko. Pabor sa pagpasok ng mga seasonal workers dahil  mayroong pangangailangan. Bago naman matapos ang taon ay isasara natin ang ‘emergency’ para sa Northafrica.

altRoma – Marso 17, 2012 – “Tinalakay namin sa Ministro ng Labour kung bubuksan muli ang isang bagong direct hire, ngunit ang sitwasyon ng trabaho sa bansa ay nananatiling dramatiko at halos walang pangangailangan sa mga manggagawa. Sa halip ay pinili namin ang pagpasok ng mga seasonal workers  dahil kami ay tiwala na ang merkado ay nangangailangan nito.”

Kung kaya’t kahapon ang Ministro ng Interior na si Annamaria Cancellieri, sa isang audition ng Commission on Human Rights ng Senate ay ipinaliwanag kung bakit ang Gobyerno ay hindi nagbukas ng direct hire para sa subordinate jobs.

Samantala, ang natitirang bahagi ng audition ay itinuon sa tema ng paglaban sa ilegal na imigrasyon at sa emerhensya ng mga pagdaong mula sa Northafrica. Sa taong 2012, paliwanag pa ng Ministro, ang mga pagdaong mula sa Libia at Tunisia ay malaki ang ibinaba kumpara noong nakaraang taon: 1.056 ay ang bilang ng mga imigrante na dumating sa Italya sa 23 operasyon. “Nananatiling mataas ang libel ng atensyon pati ang tungkuling humanap ng epektibong paraan ng paglaban sa ilegal na imigrasyon”.

Ukol sa Tunisianong migrante na inulat na nawawala, ayon kay Cancellieri, ay isang “kasong may malalim na kahulugang  pantao, na tiyak na hindi nakita na walang malasakit ng mga awtoridad na Italyano, kung saan, sa katunayan, ay agad na ipinagbigay-alam sa mga kinatawan ng Tunisia para sa mga paghahanap”. Gayunpaman, idinagdag niya, “ sa 142 katao, 8 lamang ang inireport sa mga pulis, at isa lamang ang tunay na transited sa Italya matapos ang political crisis sa Northafrica. Ang ibang 7 naman, ang mga pagsasaliksik ay naging daan upang malaman na ang kanilang pagdating sa Italya ay nauna pa kaysa sa hinihinalang pag-alis mula sa Tunisia.

Tungkol sa gawain ng pagpapabalik sa sariling bansa, ang ministro ay binigyang diin kung paano ginagampanan ng Border Police ang kanilang tungkulin “maingat at tumpak, ng may galang sa mga patakaran, kabilang ang internasyonal, na ginawa mula Abril 2011 hanggang Abril 2012, ang 22,643 expulsions mula sa bansa.” “Ang partikular na tungkulin – ayon sa obserbasyon ng Ministro sa kaso ng larawan ng dalawang migrante sa eroplano na may tape sa  bibig – ay hindi maaaring tingnan sa mga naging pangyayari na isolated cases na sangkot lamang ang dalawang Algerian nationals, kung saan ang walang konsiderasyon sa karangalan ng tao ay aking kinilala kamakailan sa parliyamento.”

Ukol sa desisyon kung pananatilihin ang estado ng Lampedusa sa pagiging hindi ligtas na daungan para sa mga migrante, sinabi ni Cancellieri na ang kasagutan ay sa katapusan ng Mayo, “pag mayroon ng kalinawan ukol sa structural availability, ilang araw mula ngayon ay magkakaroon ng inspection sa isola”, dagdag pa nito.

“Nais din – paghahayag pa ng ministro- na tapusin ang emerhensya sa imigrasyon bago matapos ang taon ng may mataas na paggalang sa karapatan ng mga tao. Hindi maaaring magpatuloy ang bansa sa ganitong uri ng sitwasyon, dahil sa krisis sa ekonomiya.Mayroong patuloy na dialogue sa mga rehiyon. Sa katapusan ng buwan ay ilalahad namin ang sitwasyon, sinusuri namin kung gaano karaming mga migrante ang nagkaroon ng permit to stay, kung ano ng ang sitwasyon ng mga komite, para sa isang plano upang harapin ang sitwasyon hanggang sa matapos taon, kung kailan matatapos ang ’emergency’.

Samantala, “Ang pakikipagtulungan sa awtoridad ng Libya – ay sumasaklaw sa isang konteksto ng pagkakataon, tulad sa Tunisia, ng isang pananaw na pilitin ang awtoridad na lokal na labanan ang mga organisasyon ng krimen gayun din ang pananamantala at mas mahusay na pamamahala ng populasyon sa teritoryo”.  “Maging ang mga pagpapatrol sa dagat, ay naging kapaki-pakinabang sa nakaraan sa iligal na pagpasok, at kumakatawan bilang malahagang armas at kinakailangan.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Karera ng mga recycled boats sa Recyclable Regatta

Pinoy, pinakamalaking delegasyon para sa VII World Meeting of Families sa Milan