Ang Ministri ng Ekonomiya ay walang pinaliligtas na discount: “Ang pera ay nakalaan upang bayaran ang pagsusuri ng mga releasing at renewal”. “Kakailanganin din ang halaga buhat sa pamilya ng mga refugees at mula sa mga hihingi ng duplicate ng permit to stay”.
Roma – Abril 11, 2012 – Bayad, bayarin, magbayad.
Hindi maaaring makatakas sa buwis ng permit to stay, 80, 100 o 200 euros, mula noong Enero, ang mga imigrante na dapat magbayad kapag nag-aplay sa releasing o renewal ng mga permit to stay. Ang Ministri ng Ekonomiya ay hindi nagbibigay ng discount at, kinunsulta ng Interior Ministry sa tatlong magkakaibang kaso kung posibleng makalusot sa buwis, ngunit tatlong beses ding hindi ang kasagutan.
Para sa mga duplicate ng mga permit to stay, na hinihingi kung nawala o ninakaw ang dokumento, kailangan bang bayaran muli ito? Ang sagot ay oo, dahil “ang tanggapan ay maglalabas ng bagong dokumento” at samakatuwid ay dapat na bayarang muli ang mga gastusin sa panibagong trabaho ng public administration. Simula sa panahong magbabago ang buwis kasama ang panahon ng validity ng dokumento, kailangang bayaran na lamang ang natitirang panahon ng validity ng duplicate.
Isa pang katanungan na may kaugnay sa mga mayroong permit to stay na asylum at humanitarian purposes. Ayon sa batas ay hindi dapat itong bayaran, ngunit ang mga kapamilya na mayroong sapat na edad, paliwanag pa ng Ministri sa Ekonomiya- ay dapat na magbayad. Ang mga exemptions? Ito ay tinanggal na ng pamahalaan, “ito ay sumasaklaw bilang obligatory at walang ibang malalim na interpretasyon”.
Ang paglilinaw na mag-iiwan ng mga butas na bulsa ay ang mga permit to stay na tinanggihan. Sa pagsususmite ng aplikasyon at ang Questura ay tinagghan ito, isasauli ba ang pinagbayaran ng imigrante? Ang Ministry of Finance (at may bahagyang pagdududa) ay sumagot ng hindi, ang buwis na babayaran pa rin “dahil sa isinagawang pagsusuri”. Ire-refund lamang ang 27,50 euro bilang kabayaran sa printing ng electronic document na hindi maisasagawa.
Bukod sa mga pinsalang nabanggit, tulad ng madalas na mangyari. Hindi ka lamang tinanggal ng karapatan ng pananatili sa Italya, ngunit nag-donate ka pa sa isang bansang ayaw kang tanggapin.