Roma – Ang usapin tungkol sa mga colf o household service workers at migrants in general ay nararapat bigyan ng halaga at itaguyod nang mabuti ang proseso ng integrasyon sa bansa, pahalagahan ang trabaho ng mga colf-badanti, pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho. Ang lahat ng ito’y maisasagawa lamang kung may kasunduan ayon kay Liliana Ocmin, Segretario confederale ng Cisl.
Paliwanag pa ni Ocmin, ang tema ng migrasyon tulad ng usaping pang-sosyal ay dapat pagtuunan ng pansin mula sa tanggapang lokal ng gobyerno, provincial at regional. Ang integrasyon ng mga dayuhan ay hindi napag-uusapan, at walang kinalaman ang tagal ng paninirahan sa bansang Italya. Ang mahalaga ay kilalanin ang kanilang katauhan sa lipunan. Dahil dito, bago sana isipin ang muling pagpapasok sa bansa, mas makakabuting i-regularize ang narito na sa bansa upang maiwasan ang pagkakaroon ng irregular migrants. Dapat umano isulong ang bilateral system upang magkaroon ng proseso sa pag-aaral ng wikang italyano, ito ang unang hakbang upang makabuo ng isang “integrated society”.
“Ang karapatang magsamasama ang pamilya, diin ni Ocmin – access sa maayos na social life at proseso sa pagkilala ng kakayahan at marelocate sa labor market, ma-extend ang kasalukuyang permesso di soggiorno (permit to stay) na ang validity ay anim na buwan lamang sapagkat nawalan ng trabaho (attesa occupazione), access sa welfare services, karapatang makaboto, pantay na karapatan at pagpapatupad sa prinsipiyong “ius soli” para sa mga anak ng mga dayuhan na isinilang sa Italya, ito ang mga pangunahing elemento upang makamit ang tinatawag na integrasyon”.