"Ang tema ay hindi maaaring matapos gamit ang isang bigla-biglang paraan na naghadlang sa mas malawakang talakayan ng tema, na dapat ay namuhunan sa mga silid ng Parliyamento".
Roma, Hulyo 9, 2012 – “Sa pagpapatupad ng European directives na naghahangad na puksain ang pagsasamantala sa mga ilegal na imigrante, ang pamahalaan ay hindi maaaring magbukas ng mga pinto ng bansa sa daan-daang libong dayuhang maaaring pumasok ng bansa sa pamamagitan ng hindi katanggap-tanggap na regularization".
Ito ang pangungusap ng presidente ng mga senador ng PDL, Maurizio Gasparri.
"Ang tema – ayon pa kay Gasparri – hindi maaaring matapos gamit ang isang bigla-biglang paraan na naghadlang sa mas malawakang talakayan ng tema, na dapat ay namuhunan sa mga silid ng Parliyamento. Hindi kami sang-ayon sa Sanatoria, sa regularization. Ang direktiba ng Europa ay sumasaklaw sa iilan at piling kaso lamang. Hindi ito ang paraan, imposibile na sa panahon ng krisis na maraming mga regular na residenteng imigrante ang nawalan ng trabaho sa bansa”.