Ito ay ayon kay Mons. Francesco Cacucci ng Archdiocese of Bari-Bitonto, sa kanyang homeliya sa Bari Cathedral kahapon kung saan ginanap ang 99th World Day of Migrants and Refugees.
Bari, Enero 14, 2013 – "Tayong lahat ay mga biyahero, mga banyaga, mga panauhing naghahanap makamit ang isang layunin."
Ito ay ayon kay Mons. Francesco Cacucci ng Archdiocese of Bari-Bitonto, sa kanyang homeliya sa Bari Cathedral kahapon kung saan ginanap ang 99th World Day of Migrants and Refugees. Nag-cocelebrate din sa pagdiriwang ng banal na misa sina Mons. Giancarlo Perego, ang direktor ng Migrantes foundation.
Kasamang nagdiwang sa katedral ang maraming delegations buhat sa iba’t ibang komunidad. “Pananampalataya at pag-asa – dagdga pa ni Cacucci – ang pupuno sa bagahe ng bawat migrante. Ang mabigat na kasalukuyan ay ipamuhay ng mayroong tamang layunin at pagsusumikap”.
At pagkatapos, ay binigyang-diin ang obligasyon ng hospitality sa mga dayuhan at ipina-alala na ang pagdagsa ng 20,000 Albanians sa Bari noong 1991. Ang mga Albanians ay hindi naging isang suliranin lamang dahil sa kasalukuyan sila ay maituturing na isang yaman para sa lungsod”.