Sa kinatawan ng mga Munisispyo : “Kailangan ang isang reporma sa citizenship, na ang ipinanganak sa Italya ay Italyano. Mga migrante dapat bumoto sa lokal na halalan. Kulang ang mga batas sa migrasyon “
Rome – “Kung may isang katotohanan buhat sa dossier ng Caritas, ito ay ang kakulangan ng isang kumpletong immigration policy sa bansa at ang problema ay dapat harapin ng mga lokal na awtoridad”
Ito ang mga pangungusap ni Flavio Zanon, bise-alkalde ng Padua at Anci VP na namamahala sa migration issues, sa pagtatanghal ng Dossier on Immigration 2011 ng Caritas Migrantes sa Don Orione Theatre sa Roma.
Kulang ng isang politikang may pananaw sa hinaing ng migrasyon at ng isang politika upang maprotektahan ang mga karapatan ng dayuhan. Ang lahat ng ito hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin”.
integration”.
“Kahit noong kasalukuyang dumadagsa ang mga North Africans – dagdag ni Zanonato – ay hindi ito hinarap ng politikang sumasaklaw sa kabuuan ng problema bagkus ay kumilos para sa pansamantalang solusyon at hindi isang solusyong pangmatagalan, na may pananaw ng isang integrasyon ng mga dayuhang ito”. “Kami sa Anci – sa pagtatapos pa nito sabay ang panawagan sa mga kinatawan sa lahat ng munisipyo – ay aming hinihingi ang aplikasyon ng direktiba ng Europa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga migrante na bumoto sa lokal na halalan.” Kailangan ding harapin ang ikalawang henerasyon: “hinaharap natin ang isang pagsabog sa bilang- pagbabanta pa nito- na sanhi ng isang pagdami ng mga anak ng dayuhan na ipinanganak sa Italya. Bakit hindi ipagkaloob ang ius solis?. “Ibigay sa mga ito ang citizenship dahil ito ay kinakailangan upang ang isang komunidad ay mabuhay ng maayos at mapayapa”. Ang sinumang ipinanganak sa Italya ay isang Italyano.”