Bilang suporta sa panawagan ni Napolitano.
Roma – “Muli,ang Pangulo ay nagpakita ng karunungan at pagiging sensitibo sa mga pangunahing tema para sa kinabukasan ng ating bansa”.
Ganito ang naging pahayag ni Flavio Zanonato, ang Mayor ng Padua at Vice president ng Anci na binigyang pananagutan para sa mga patakaran ng imigrasyon, sa mga pangungusap ng Presidente na si Giorgio Napolitano, sa isang seremonya sa Quirinale. Inaanyayahan nitong suriin ang posibleng reporma kung paano at kailan dapat bigyan ng citizenship lalo na ang mga anak ng mga migrante na ipinanganak sa Italya.
”Ang mga anak ng migrante na ipinanganak at namumuhay sa Italya ay magiging mahalagang bahagi ng taas ng antas at kalidad ng human resources sa kinabukasan ng komunidad ng ating bansa”, ayon sa Mayor.
“Ngunit ang mga batang ito, pagsapit ng 18 taong gulang, ay namumuhay ng halos kabaligtaran: sila ay namumuhay sa isang komunidad na ang batas ay hindi kumikilala sa kanilang karapatan at pansamantalang nawawala rin ang pakikipag-ugnayan sa kanilang sariling komunidad. Ang lahat ng ito ay lumilikha ng isang hindi makatarungan at malakas na implikasyon sa lipunan.”
”Para sa kadahilanang ito – pagtatapos pa nito – ang ANCI, sa pakikipagtulungan ng Save the Children, ay naglunsad ng isang kampanya na magpapa-alala sa mga kabataang may edad na 18 at hilingin sa mga Mayor na ipagbigay-alam sa mga kabataang ito ang pagsapit ng panahon upang magkaroon ng citizenship sa loob lamang ng isang taon matapos ang pagiging 18 taong gulang.
At para din sa dahilang ito, kami aynakikibahagi sa paghimok sa Parlamento upang baguhin ang batas upang matiyak ang pagbibigay ng citizenship sa mga batang ipinanganak sa Italya.