Ipinabot nà ng New Zealand Government ang pakikiramay sa DFA.
Malabo na ang pag-asang buhay pa ang 11 Filipino students na na-trap sa gumuhong gusali sa Christchurch City sa New Zealand, kung saan kahapon ay nagtapat na ang New Zealand authorities na “ipinapalagay na patay na” ang mga ito.
Ang foreign ministry ng New Zealand ay nagpaabot na ng pakikiramay sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa acting Secretary Albert Del Rosario, at sinabing “presumed lost” na ang mga biktima sa Canterbury TV building.
Ayon kay Civil Defense Emergency Management director John Hamilton sa mga ulat ng international news agency ay humantong na sa pagpapalagay na patay na ang mga Filipino nurses sa gusali.
Sa kabila ng lahat, ay nangangako diumano ang DFA sa pamamagitan ni DFA Spokesperson Atty. Eduardo Malaya, sa mga kaanak ng mga nawawalang Pinoy sa lindol na patuloy ang gagawin nitong pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng New Zealand para sa pagrekober sa mga labi ng mga biktima.