Isa na namang insidente ng pamamaril ang naganap sa isang paaralan sa Connecticut ng isang 20-anyos na nagnganaglang Adam Lanza ang 28 katao, kabilang ang 20 batang mag-aaral na may edad na lima hanggang sampu.
Ito ay itinuturing bilang isa sa pinakamalagim na insidente ng pamamaril sa kasaysayan ng Amerika.
Natagpuan din ang pinaniniwalaang salarin na patay sa loob ng Sandy Hook Elementary School sa Newtown, Connecticut.
Sa report ng News York Times, sinabing pumasok ang salarin sa silid-aralan ng nabanggit na paaralan at binaril nito ang kanyang sariling ina, pinaniniwalaang isang guro sa paaralan, at pagkatapos ay isinunod na ang mga batang mag-aaral.
Ang ina ng suspek ay maaaring hindi konektado sa nasabing paaralan. Ayon sa mga pahayag ng mga kaanak nito ay substitute lamang si Nancy Lanza at ayon sa mga awtoridad ay wala sa listahan ng mga guro sa paaralan.
Ilang tao pa umano ang binaril ng suspek bago ito nagbaril sa sarili.
Dinakip ng mga pulis ang kapatid ng hinihinalang suspek at inimbestigahan. Ayon kay Ryan Lanza, 24 anyos at nakatira sa Hoboken, New Jersey, si Adam ay may karamdamang Asperger Syndrome. Pinakawalan ng awtoridad si Ryan dahil hindi ito umano kasangkot sa pamamaril ng suspek.
Ayon sa mga report, ang baril na ginamit ng suspek ay legal at rehistrado sa pangalan ni Nancy Lanza, ang ina ni Adam Lanza.