in

30 Fil-Ams, kandidato sa US Election

Ambasador nanawagang bumoto sa komunidad na mayroong 30 kandidato sa US election.  

Rome, Nob 6, 2012 – Nanawagan si Ambassador Jose Cuisia sa komunidad na lumabas ng kanilang tahanan at bumoto. “Ang mga Pilipino ang ikalawa sa pinakamalaking komunidad sa Amerika, dapat natin itong pahalagahan upang maging bahagi sa sosyal, politikal at ekonomiya ng bansang ito”, ayon pa sa Ambassador.

Batay sa U.S. Census noong 2010, tinatayang mayroong 3.5 million Pinoys sa Amerika at karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa West Coast, sa California.

Inilabas rin ng Embahada ng Pilipinas sa Washington DC ang kumpletong listahan ng mga kandidatong Fil-Ams sa local at national polls, matapos ang panawagan.  

Dalawang Fil-Ams ang kandidato sa U.S. House of Representatives. Sina Dr. Marisha Agana, isang Republican at kandidato sa 13th District of Ohio at si Democrat Rep. Robert Scott para sa kanyang 11th term bilang representative sa Third District of Virginia.

Labinlimang Fil-Ams naman ay pawang mga kandidato sa legislative seats sa California, Pennsylvania at Hawaii. Sina Alameda Vice Mayor Rob Bonta (18th District); Chris Mateo (12th District) at Jennifer Ong (20th District), lahat ay mga Democrats at naghahangad ng pwesto sa California State Assembly;

Sina Will Sylianteng (151st District), isang Democrat at kandidato sa Pennsylvania State House; Henry Aquino (38th District); Romy Cachola (30th District); Gilbert S. Keith-Agaran (9th District); Della Au Belatti (24th District); Rida Cabanilla-Arakawa (41st District); Marissa Capelouto (42nd District); Ty Cullen (39th District); and Chris Manabat (40th District), lahat ay mga Democrats at mga kandidato sa House of Representatives sa Hawaii;

Sina Will Espero (19th District); Donna Mercado Kim (14th District); and Donovan de la Cruz (22nd District), mga Democrats at tumatakbo naman sa Senado sa Hawaii.

Sina Former Hawaii Gov. Ben Cayetano, ang unang Filipino-American governor, bilang mayor ng Honolulu samantala sina Kymberly Marcos Pine, Joey Manahan and Ron Menor ay naghahangad naman ng pwesto sa City Council sa Honolulu.

Tumatakbo rin sina Greggor Ilagan (4th District) at Chelsea Yagong (1st District) para sa Hawaii County Council at si Don Guzman para sa Maui County Council.

Sa California naman, si Jose Esteves ay tumatakbo bilang mayor ng Milpitas, Garry Barbadillo sa Milpitas City Council, Jim Navarro para sa Union City Council, Hermy Almonte sa San Leandro City Council at si Stewart Chen naman sa Alameda City Council. (source: TheFilAm.net)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta di soggiorno sa pamamagitan ng gay marriage, bagong kaso sa Treviso

Mga Italians, balik caregivers