in

Bagong Protocol sa pag-uwi sa Pilipinas, pabor na ba ang mga Ofw? 

Ako Ay Pilipino

Isang magandang balita para sa mga kababayang OFW ang inilabas na bagong protokol ng IATF, bagama’t pansamantala lamang dahil sa di pa rin ganap na tapos na ang pandemya. Kaya ang mga dating naudlot na pagbabakasyon sa Pilipinas, ay kagyat na matutuloy na ngayong buwan. Tiyak na masusulit na rin ang bakasyon dahil sa pagkawala ng facility-based quarantine, na kumukunsumo ng maraming araw at nagdudulot ng pagka-inip at depresyon sa loob ng pasilidad.

Base sa inilabas  ng INTER-AGENCY TASK FORCE for the Management of Emerging Infectious Diseases,  ang mga bagong protokol ukol sa mga Pilipinong pauwi sa Pilipinas ay nakasaad sa Resolution No. 160-A, s. 2022, may petsang Pebrero 3, 2022. Dahil sa pansamantalang suspensiyon ng klasipikasyon ng mga bansa, teritoryo at hurisdiksiyon, na Green, Yellow at Red, ang mga sumusunod ang magiging protocol ng new entry, testing at quarantine. Ang bagong protocol na ito ay ipatutupad simula ika-10 ng Pebrero, 2022.

FULLY-VACCINATED FILIPINOS

  1. Magpakita ng negatibong resulta ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction test (RT-PCR), na sa loob ng 48 oras ang validity mula sa petsa at oras ng pag-alis sa bansang pinagmulan/unang port of embarkation, di kasama ang lay-over at di umalis sa loob ng airport o hindi tinanggap sa ibang bansa sa panahon ng lay-over.
  2. Sa pagdating naman sa Pilipinas, hindi na kailangan ang mandatory facility-based quarantine kundi self-monitoring na lamang sa mga sintomas sa loob ng pitong araw at kailangang magtungo sa local government unit sa kanilang destinasyon kung sakaling magkaroon ng sintomas. 
  3. Masasabing fully-vaccinated kung:
  • Nakatanggap na ng ikalawang dose ng 2-dose serye o kaya ay isang dose, mula sa 14 na araw bago ang petsa at oras ng alis mula sa bansang pinanggalingan.
  • Ang bakuna ay mula sa:

                      –  Emergency Use Authorization (EUA) List o Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration. 

                      – O kaya ay mula sa Emergency Use Listing ng World Health Organization. 

  • Mayroon at maipapakita ang anumang proof of vaccination bago umalis mula sa bansang pinanggalingan at sa pagdating sa Pilipinas gaya ng:
  1. Certificate of Vaccination and Prophylaxis mula sa WHO;
  2. VaxCertPH;
  3. National o State digital certificate ng bansa/banyagang gobyerno na tinanggap ang VaxCertPH sa ilalim ng reciprocal arrangement;
  4. Iba pang proof ng bakuna na pinahihintulutan ng IATF.

4. Ang mga Pilipinong hindi makatupad sa mga kondisyong nabanggit sa Section A (1) TO (3) ay masasabing hindi bakunado at kinailangang sumailalim pa rin sa entry, testing at quarantine protocol na inihayag sa Section B.

5. Ang mga fully-vaccinated na Pilipino ay hindi na isasali sa arrival quota ng Department of Transportation (DOTR) at ng One-Stop-Shop (OSS).

UNVACCINATED, PARTIALLY VACCINATED O PILIPINONG HINDI MAIBALIDA ANG VACCINATION STATUS

  1. Magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR TEST na nakuha sa loob ng 48 oras mula sa petsa at oras ng pag-alis mula sa bansang pinanggalingan/unang port of embarkation sa tuluy-tuloy na biyahe pauwi sa Pilipinas, di kasama ang lay-over; basta hindi ito umalis mula sa airport o hindi tinanggap papasok sa ibang bansa sa panahon ng lay-over.
  2. Kinailangang sumailalim sa facility-based quarantine hanggang mailabas ang negatibong RT-PCR test na isinagawa sa ikalimang araw mula sa petsa ng pagdating.   Pagkaraan, ay kinakailangang sumailalim sa home quarantine hanggang  ika-14 na araw mula sa petsa ng pagdating.
  3. Ang local government units (LGUs) ng destinasyon at ang  Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS) ang naatasang magmonitor sa mga dumating na pasaherong sumailalim sa home quarantine.

 UNVACCINATED MINOR FILIPINO NATIONALS

  1. Ang mga menor de edad na Pilipino na mababa sa 12 taon at hindi bakunado ay sasailalim sa quarantine protocol na nakabase sa kanyang mga magulang o kasamang matanda o guardian na kasama sa pagbibiyahe.
  2. Ang mga Pilipino naman mula sa edad na 12 hanggang 17 ay susunod sa mga klasipikasyon at patakaran base sa kanilang vaccination status (bakunado o hindi). Sa kasong di bakunado ang menor de edad, ang magulang nito, Pilipino man o banyaga, ay sasamahan ang naturang bata o mga bata sa kanilang facility-based quarantine.

FULLY-RECOVERED FILIPINO NATIONALS NA MAY POSITIBONG  RT-PCR PRE-DEPARTURE TEST RESULTS

  1. Ang mga Pilipinong gumaling na mula sa COVID 19 na karamdaman pero nagpositibo sa 48-oras nitong pre-departure RT-PCR test, ay makakapasok pa rin sa bansa, basta makapagpakita lamang ng mga sumusunod na dokumento bago sa pag-alis nito mula sa bansang pinanggalingan/port of embarkation at sa pagdating nito sa Pilipinas:
  • Ang positibong RT-PCR test na isinagawa nang di mas maaga sa 10 araw pero hindi pahuli ng 30 araw bago ang petsa at oras ng pag-alis mula sa bansang pinagmulan/port of embarkation;
  • Ang positibong RT-PCR Test na ginawa sa loob ng 48-oras mula sa petsa at oras ng pag-alis at tuluy-tuloy na biyahe pauwi sa Pilipinas, di kasama ang lay-over; basta hindi umalis sa loob ng airport o di pumasok sa ibang bansa sa panahon ng lay-over; at
  • Isang medical certificate na inisyu ng isang lisensyadong doktor na nagsasaad na ang Pilipinong nabanggit ay: (i) asymptomatic, mild, moderate, severe o kritikal na kaso ng COVID19, kung anuman ang kaso; (ii) nakumpleto na ang mandatory isolation period; (iii) hindi na makakahawa; at (iv) pinayagan nang makakilos nang malaya at makapagbiyahe.

2. Sa pagdating, ang Pilipinong positibo sa COVID 19 ay sasailalim sa mga sumusunod na protocol:

  • Kung fully vaccinated, hindi na sila sasailalim sa mandatory facility-based quarantine pero gagawin ang self-monitoring para sa mga senyales o sintomas sa loob ng 7 araw na kung saan ang unang araw ay ang petsa ng pagdating at kakailanganing mag-ulat sa local government unit ng kanilang destinasyon kung sakaling lumala ang sintomas, kung meron man;
  • Kung vaccinated, partially vaccinated o may vaccination status na di ma-determina, sasailalim sila sa facility-based quarantine hanggang sa lumabas ang negatibong RT-PCR Test na isinagawa sa ikalimang araw. Pagkaraan, sasailalim sila sa home quarantine hanggang ika-14 na araw, kung saan ang petsa ng pagdating ang unang araw.

3. Ang kasalukuyang local quarantine at isolation period at protocol na ipinahahayag sa ilalim ng Department of Health Administartive Order No. 2021-0043 o ang Omnibus Guidelines on the Minimum Public Health Standars for the Safe Reopening of Institutions, ay  para sa istriktong pagpapatupad gaya ng iba pang mga regulasyon na ipapatupad ng Department of Health.

LAHAT NG PAPASOK NA PILIPINO SA PILIPINAS AY KAILANGANG MAGPAREHISTRO SA ONEHEALTH PASS BAGO DUMATING SA BANSA. 

Register with OneHealthPass: www.onehealthpass.com.ph

Read IATF-EID Resolution No. 160-A: tinyurl.com/2p8s3suy

Maligayang pagbabakasyon sa lahat ng uuwi. Sumunod lamang sa mga nakasaad pa sa protocol at tiyak na masusulit ang inyong mga araw sa piling ng inyong pamilya. (Dittz Centeno-De Jesus)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Gumaling sa Covid19, kailan magiging illimitato ang Super Green pass? 

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

Minimum Wage sa Domestic job sa taong 2022