Ang bangkay ni Romilyn Eroy Ibañez ay dumating sa Pilipinas noong September 2 mula sa Al-Khobar, eksaktong isang taon matapos itong matagpuang nakahandusay at naliligo sa sariling dugo. Makalipas lamang ang ilang oras ay idineklara itong patay ng mga manggagamot.
Ngunit ang himutok ni Mira Ibañez, matapos masilayan ang inuwing bangkay ng kanyang kapatid na walang mata at walang dila na hinihinalang pinatay sa Saudi Arabia, ngunit idineklarang nag-suicide ito sa bahay ng kanyang amo sa Al-Khobar. Nagpahayag ng poot ang pamilya ni Romilyn dahil sa hindi na nga kumpleto ang bahagi ng katawan nito ay sunog pa umano, kaya doble ang kanilang paghihinagpis.
Ayon sa doktor na nag-asikaso kay Romilyn, ang dahilan ng kamatayan nito ay sanhi ng mga tama ng saksak at acid ingestion.
Noong Pebrero 16, 2011 ay nakatanggap ang PHL embassy ng kopya ng investigation at forensic reports mula sa Saudi Ministry of Foreign Affairs kung saan nasasaad ang pagsu-suicide nito.
Umapela ang pamilya ni Romilyn, kasama ang grupo ni Monterona ng Migrante na muling magsagawa ng imbestigasyon ang PHL embassy at umupa ng legal services ng isang local Shariah lawyer.