in

Barcelona, nakapailalim din sa Lockdown

Stay at Home na kautusan nasa pangalawang linggo na ng implemetasyon sa Espanya. Mahigpit din ipinapatupad ang Social Distancing. Limitado na rin ang mga pang-publikong sasakyan tulad ng Tren at Bus. Mangilan-ngilan na rin ang mga pasahero. Marami na rin ang hindi pinapapasok ng kanilang employer. Apektado ng malaki ang nasa sektor ng Turismo tulad ng Hotel, Restawrant, Bar, Sinehan at mga tindahan para sa mga turista. Pinakamarami ang bilang ng mga caregiver, babysitter, at mga kasambahay na part-timer sa mga tinamaan ng disempleyo. Ang masaklap, marami sa kanila ang pasok sa sistemang No work No Pay

Sa kabila nito, marami din employer ang nagsasabi na sila ay muling pababalikin sa mga nabangit na trabaho, sakaling naaresto na ang pagkalat ng virus. Katulad sa Italya, naglabas din ng Autodichiarazione para sa mga nagnanais lumabas ng kanilang bahay. Tanging ang pagpasok sa trabaho, pagpapagamot sa ospital, pamamalengke o tutungo sa botika at pauwi ng bahay galing sa trabaho ang pinahihintulutan. Mayron din karampatang multa at pagkakakulong kung lalabag sa kautusan. 

Hindi rin pinapayagan ang maramihan paglabas. Isa hanggang dalawang tao lamang sa pamilya ang pinapahintulutan. Sarado na rin ang mga iskwelahan sa lahat ng antas. Ang banal na misa ay idinadaos na lamang on-line. Natigil din ang mga piyestahan o malakihang pagtitipon tuwing araw ng pahinga o day-off. Kahit ang pamamasyal sa mga Mall. Maingat na rin ang mga Pilipino na patuloy parin pinapapasok sa kanilang trabaho. Nagsusuot na sila ng mga mask at guwantes. Sa kanilang mga bahay, pinapalipas ang oras sa pakikipagbalitaan gamit ang Social Media. Kasabay ang pagsubaybay sa mga kaganapan sa paligid. 

Ayon kay Jhen Villanueva Escalona na labindalawang taon ng naninirahan sa Barcelona, “Umaasa kami na lilipas din ang lahat ng ito. Dasal at pananampalataya sa Diyos ang makakatulong sa ating lahat”. Ayon din kay Jhen, mahigpit naman na sumusubaybay ang Konsolato ng Pilipinas sa Barcelona. Regular itong naglalabas ng mga kalatas at balita para sa impormasyon ng mga Pilipino na naninirahan sa Barcelona. Wala naman, nabanggit hinggil sa mga atakeng pisikal at berbal kaugnay ng rasismo at senopobiya katulad ng mga nangyari dito sa Italya. 

Samantala, pinalabas na si Gng Arianne Canopio sa Ospital, isang Pilipina, may asawa’t anak matapos makumpirmang positibo nitong Marso 13 ng covid19. Siya ay nagtatrabaho sa isang restawrant sa Barcelona. Kasalukuyang nagpapalakas sa kanyang tirahan.  (Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Permit to stay, expired na. Ano ang dapat gawin?

Multa at Pagkakabilanggo, parusa sa sinumang hindi susunod sa Batas