Ayon sa DFA, madali na ang pagkuha mula sa National Statistics Office (NSO) ng mga dokumento katulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate o Certificate of No Record of Marriage (CENOMAR) kahit na ang nangangailangan ng dokumento ay naninirahan sa ibang bansa gaya ng Italya. Ang paghiling diumano ng mga nasabing dokumento ay maaari nang gawin sa pamamagitan ng pagtawag sa numero ng NSO Helpline +632-737-1111o sa internet sa website na www.e-census.gov.ph.
Ang mga dokumentong hiniling sa pamamagitan ng NSO Helpline +632-737-1111ay maaaring ipa-deliver sa inyong kamag-anak o representante sa anumang lugar sa Pilipinas sa loob ng dalawa hanggang anim na araw. Ang kabayaran ay Php315.00 bawat kopya ng Birth Certificate, Marriage Certificate o Death Certificate, at Php415.00 para sa CENOMAR.
Ang mga dokumentong hiniling sa www.e-census.gov.phay maaaring ipahatid sa anumang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa din katulad ng Italya. Para sa mga dokumentong ihahatid sa ibang bansa, ang kabayaran ay US$20.00 bawat kopya ng Birth Certificate, Marriage Certificate o Death Certificate at US$25.00 para sa CENOMAR. Kasama na sa mga nasabing halaga ang courier charge. Ang mga dokumento ay maihahatid sa loob ng anim hanggang walong linggo.
Kaugnay nito, ipinapaalala ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Milano na lahat ng mga dokumentong galing sa Pilipinas at gagamitin sa Italya, katulad ng mga unang nabanggit o dokumentong galing sa eskuwela, lisensyang propesyonal, NBI Clearance, LTO Certificate, atbp. ay kailangang authenticated o may red ribbon galing sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (source: DFA, Consulate of Milan)