in

Bronze medal inuwi ng PH team mula sa World Memory Championship

Nag-uwi ng bronze medal ang Philippine memory team sa ginanap na 2012 World Memory Championships (WMC) sa Lilian Baylis Technology School, Vauxhall London noong Disyembre 14 hanggang 16.

Pangatlo ang bansang Pilipinas sa dalampu’t apat na bansang lumahok sa torneo tulad ng USA, China, Poland, Norway, Indonesia, Singapore at Australia.

Ang PH team ay binubuo ng anim na lalaki at limang babaeng may edad 11 hanggang 39-anyos.

Sampung pagsubok ang pinagdaanan ng mga grupo sa loob ng apat na arwa ng torneo. Ang mga ito ay patungkol sa iba't ibang aspeto tulad ng mga mukha at pangalan, abstract images, historic dates at numbers.

Sina Mark Castañeda at Erwin Balines ay parehong nag-uwi hindi lamang ng gold medals gayun din ang pagiging International Grandmaster of Memory. Si Jamyla Domingo Lambunao, 11 anyos at ang pinakabata sa team ay nanalo nag-uwi naman ng 7 awards sa children’s category.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Resolution 2962, inihain sa Kamara laban kay Justin Bieber

Pinoy ayaw lisanin ang bahay ng dating asawa, naka house arrest