Sa kasagsagan ng nararanasang krisis hindi lamang sa bansang Italya kundi sa buong mundo, lahat ng sangay ng gobyerno ng bawat bansa ay umaaksyon para sa ikalulutas ng problema lalo na’t sa mga nangangailangan ng ayuda.
Ang paglalabas ng mga contingency funds o di kaya ang tinatawag ng emergency funds ang isa sa mga paraan upang tulungan ang mga mamamayan. Sa Pilipinas ang pagpasok ng Social Amelioration Program (SAP) na kung saan ito para sa mga kababayan natin sa Pilipinas na apektado sa Enhance Community Quarantine o ECQ. Nariyan din ang pagbibigay ng mga relief goods at iba pang paraan sa pantawid gutom.
At sa ibayong dagat tulad ng bansang Italya, ay nag bigay ayuda ang Department of Labor and Employment, ang DOLE-AKAP cash assistance para sa mga displaced landbased at seabased na mga manggagawa.
Nagsimulang tumanggap ng online application ang mga tanggapan ng POLO-Owwa sa Italya noong April 14, 2020 at ang mga Ofws na makakatugon sa itinalagang kundisyon ng ayuda ay makakatanggap ng USD200 o kung magkano ang currency exchange ng bansang kinalalagyan ng isang OFW.
Sa Italya, may ilan na ding mga kababayan ang nakatanggap ng ayuda mula sa DOLE.
Isa na dito ang isang tubong Batangas na mahigit 18 taon ng naninirahan sa Milan at nagta-trabaho bilang domestic helper. Ayon sa kanya, nabalitaan niya sa Ako ay Pilipino news ang isang article tungkol sa ayuda ng DOLE kung kaya’t siya ay agad na nag apply nito at nagbakasakaling may matanggap mula sa nasabing sangay ng gobyerno ng Pilipinas.
“Pagkabasa ko sa online news ng Ako ay Pilipino, agad akong nag-apply, after 2 weeks may natanggap akong notice mula sa aking bangko na may remittance daw ako.” Masayang kuwento ng Ofw.
Isa pang Ofw mula pa rin sa Milan ang nakatanggap ng tulong pinansyal at ayon kay kabayan ay naaprubahan ang kanyang application sa DOLE AKAP kahit expired ang kanyang OWWA membership.
Samantala, nakatanggap rin ng financial assistance ang isang Ofw mula sa South Italy naman pagkalipas lamang ng ilang araw mula ng ilunsad ang nasabing programa sa Italya.
Inaasahan din na marami pang mga Ofws ang matutulungan sa pamamagitan ng cash assistance mula sa DOLE.
Ayon sa POLO-OWWA Milan nakatanggap na sila ng mahigit 4500 na aplikante, at 75% nito ay nasa proseso samantalang ang iba ay sumsailalim pa ng masusing pagsusuri.
“We have approved about 2500 applications.They will be receiving notices of qualification in the coming days and we will be asking for their IBAN. We have also been remitting 200USD to those who have qualified and have provided their bank details.” pahayag ni POLO-OWWA Milan Labor Attachè Corina Padilla Buñag. ulat ni Jesica Bautista
Kaugnay nito, may halos 2,000 aplikasyong natanggap ang POLO-OWWA Rome, ayon kay Labor Attachè Haney Siclot hanggang noong April 24, 2020.
Pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng dalawang nabanggit na tanggapan.
Narito ang link sa pag-aaplay sa Milan at Northern Italy na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng POLO-Owwa Milan (Jesica Bautista)