Ang Nestle USA ay nag-issue kamakailan ng voluntary recall ng kanilang produkto, ‘Nesquik chocolate powder’ dahil diumano sa pagiging kontaminado ng salmonella.
Boluntaryong binawi ng Nestle USA ang kanilang Nesquik na 10.9-, 21.8-, at 40.7- ounce canisters dahil sa salmonella contamination. Ngunit wala naman umanong dapat na ipangamba ang publiko dahil wala pa naman nai-report na masamang naidulot nito hanggang sa kasalukuyan.
Ang salmonella bacteria ay mapanganib lalo na sa mga sanggol, matatanda, mga buntis at mga may mahinang immune system at maaaring maging sanhi ng diarrhea, abdominal cramps, lagnat at sa ilang malubhang kaso kahit kamatayan.
Ayon pa sa Nestle, ang mga affected Nesquik chocolate powder ay ginawa simula ng buwan ng Oktubre at mayroong expiration date na Oct 2014.
“We apologize to our consumers and sincerely regret any inconvenience created by this incident,” ayon sa statement ng Nestle USA.
Samantala, nagbabala rin ang Department of Health – Food and Drugs Administration (DOH-FDA) laban sa pag-inom ng produktong nabanggit sa Pilipinas.
Ayon kay FDA head Kenneth Hartigan-Go, wala naman umanong dapat na ipangamba ang publiko dahil ang nasabing produkto ay hindi rehistrado sa Pilipinas ngunit may posibilidad na nabili ito ng ilan kung kaya’t isang advisory ang ipinalabas ng ahensya.