Isang magandang balita ang inanunsyo ng Malacañang noong nakaraang Biyernes na makakabiyahe na ulit sa Pilipinas at may pahintulot nang makapasok ang asawa at anak na dayuhan ng mga Pilipino simula Decembre 7, 2020, dalawang linggo bago mag-Pasko.
Batay sa ipinahayag ng Office of the Presidential Spokesperson, kabilang din sa papayagang makapasok sa Pilipinas, ang mga dating filipino citizens, pati ang kanilang mga asawa at anak, anuman ang edad na kasama nilang magbibiyahe.
Ngunit ang pribiliheyong ito ay may lakip na kundisyon:
- Pagkakaroon ng pahintulot sa visa free entry sa ilalim ng Executive order No. 408, series ng 1960;
- Pagkakaroon ng pre-booked quaranrine facility;
- Pagkakaroon ng pre-booked covid19 testing sa mga laboratory na may operasyon sa loob ng airport;
- Napapasailalim ang pagpasok sa maximum na bilang ng mga pasahero sa port of entry sa petsa ng pagdating.
Ang mga Balikbayans na dating filipino citizens na magbibiyahe sa Pilipinas ay pinapayuhang na gawin ang deklarasyon sa Philippine Immigration Officer sa port of entry ukol sa pagtanggap ng pribiliheyo. Ang lumang Philippine passport o kopya ng birth certificate ay magpapatunay ng pagiging dating filipino citizens.
Para naman sa mga dayuhang asawa at anak ng Balikbayan ay kakailanganin ang mga sumusunod na dokumento:
- Kopya ng marriage contract – para sa asawa;
- Kopya ng birth certificate – para sa anak;
- Kopya ng adoption papers – para sa mga adopted children