in

Deployment ban, ipagpapaliban ang implementasyon!

altMANILA – Muling tinalakay noong nakaraang Biyernes ang ipinalabas na resolusyon tungkol sa deployment ban ng mga overseas Filipino worker sa 41 bansa ng mga miyembro ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Board. Ang pulong diumano ay sa kahilingan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipagpaliban ang pagpapatupad ng resolusyon habang kinakausap nila ang mga apektadong bansa.

Samantala, ayon kay Akmad Sakkam, ang dating ambassador, sa isang media forum noong Sabado, ay sinabing ipagpapaliban diumano ng POEA board ang implementasyon ng ipinalabas na resolusyon. Bukod dito, hindi na rin daw diumano ipalalabas ang ikalawang listahan ng mga bansa kung saan ipatutupad ang deployment ban dahil higit na mabigat ang listahan ng mga bansang nakapaloob sa ikalawang listahan dahil kabilang dito ang ilang bansa sa Gitnang Silangan na mayroon malaking bilang ng mga OFW.

Ayon kay Edwin Lacierda, ang presidential spokesman, ang DFA ay nagpahayag ng pangamba sa magiging epekto ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang kasama sa deployment ban. “Sa 41 may international companies where OCWs are hired and they observe these protection measures in favor of OCWs,” anang tagapagsalita, “kung kaya’t maaaring magkaroon lamang ng problema sa 11 bansa na kasama sa 41 bansa na nakalista sa resolusyon”,pag-papaalala ni Lacierda.  

“The DFA wanted to defer it, to discuss it with the embassies here or the countries abroad on protecting our OCWs and at the same time maintaining good relations with other countries,” pagtatapos pa nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tawanan blues….

Charice, inihatid ang ama sa huling hantungan.