in

Diplomat, nilooban sa Paris

altRome, Mayo 23, 2012 – Nilooban ang tirahan ng isang Philippine envoy sa Paris at tinatayang aabot sa 3 million euros (P165 million) ang halaga ng mga ninakaw na alahas at mga kagamitan.

Ayon sa mga ulat, ang apartment ng Philippine Ambassador to Portugal Philippe Lhuillier (na matagal ring naging Embahador ng Pilipinas sa Italya) na matatagpuan sa 16th district sa Paris ay pinasok ng kasalukuyang wala sa bahay ang embahador.

Sa bintana diumano nagdaan ang mga magnanakaw at binuksan ang isang safe na nagtataglay ng maamahaling alahas at valuable items tulad ng relos.

Ang mga pangyayari, ay napag-alaman lamang noong May 17.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang Hepatitis B?

1 taong permit to stay sa mga nawalan ng trabaho