in

E-Arrival Card para sa lahat ng uuwi at magbabakasyon sa Pilipinas. Ano ito? 

Lahat ng mga Foreigners at Filipino travelers, kasama ang mga Balikbayan, Ofws at ang kanilang mga menor de edad na anak, na magbabakasyon sa Pilipinas ay kailangang mag-register sa E-Arrival Card bago ang kanilang flight. 

Ayon sa Department of Health ng Pilipinas, pinalitan ang One Health pass ng E-Arrival Card upang gawing mas maginhawa ang pagpasok sa Pilipinas. 

Simula November 1, 2022, ang E-Arrival card ay magsisilbing online health declaration at contact tracing platform para sa mga darating na pasahero sa Pilipinas mula sa ibang bansa. 

Ito ay mas madaling kumpletuhin dahil nangangailagan lamang ng ilang impormasyon sa pagrerehistro online, kabilang ang travel details ng pasahero at ang vaccination status kontra Covid19.

Mayroon ding itinalagang Special lane sa mga airports sa bansa kung saan maaaring humingi ng tulong para makakuha ng eArrival card. 

Matatandaang pina-review ng DOH sa Beureau of Quarantine ang pagpapatupad ng One Health pass matapos ang mga reklamo ukol sa proseso nito na nagdudulot umano ng mahabang pila sa mga paliparan sa bansa. 

Paano mag-register sa E-Arrival Card?

Lahat ng mga inbound travelers sa Pilipinas ay kailangang mag-register, 72 hrs bago ang flight sa https//www.onehealthpass.com.ph

Tandaan na hindi na kailangang i-upload ang vaccine certificate sa online system. Hindi na rin required ang PCR test kahit walang booster shot. Sapat na ang fully vaccinated ngunit kailangan lamang na lumipas na ang 14 days matapos ang second dose. Ihanda lamang ang tinatawag na Green Pass sa Italya o ang vaccine certificate. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 10 Average: 4.1]

Mula Mask hanggang Bakuna anti-Covid: ang mga Pagbabago mula sa Bagong Gobyerno

Ika-7 Anibersaryo ng GUARDIANS EMIGRANT LEGION Montecatini Terme, ipinagdiwang na kulay “Europa”