in

Higit sa 3,732 OFWs, nakakulong sa 53 bansa

Mahigit sa 3,732 OFWs ang nakakulong sa 53 bansa sa kasalukuyan. Samantala, higit naman sa 108 overseas Filipino workers (OFWs) ang kasalukuyang nasa death row sa anim na bansa.

Manila – Setyembre 10, 2013 – Ito ang mga bilang na nabunyag sa budget hearing ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Senado kamakailan.

Tinatayang mahigit 3,732 ang mga nakakulong na OFWs sa 53 bansa sa kasalukuyan, kung saan 2,236 dito ang nakapiit sa Malaysia. Sumunod ang China (kasama ang Hong Kong at Macau) na may 345 Pinoy na nakakulong, ang Saudi Arabia (277), USA (208), Italy (97), United Arab Emirates (75), Kuwait (72), Japan (59), Peru (37) at Qatar (34).

Bukod dito, tinatayang 108 overseas Filipino workers (OFWs) ang kasalukuyang nasa death row sa anim na bansa at sa nasabing bilang ay 69 ang nasa China na naghihintay na lamang ng kanilang “execution”.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, kinakailangang isulong ang pagpapalakas ng “Assistance-to-National Fund” dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Ofws na nakukulong na nangangailangan ng asistensya.

Sa ilalim ng panukalang 2014 budget ng DFA, nais taasan ni Recto mula sa dating P150 milyon sa P300 milyon ang pondo.

Karamihan sa mga kaso ay mga “immigration-related” cases (2,236). Ang iba naman ay nahaharap sa kasong drug trafficking (646), theft (297), murder at homicide (114), fraud (105).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rakrakan sa Europa 2013, tagumpay sa Roma!

ILO Convention, ipinatutupad na