in

London, nais limitahan ang pagpasok ng mga EU nationals

Si Home Secretary Theresa May: "Pag-aralang muli ang free movement sa EU”. Prime Minister Cameroon: “Marami na tayong mga walang trabaho”

Roma – Oktubre 9, 2012 – Upang pigilan ang imigrasyon mula sa ibang mga bansa ng EU, ang pamahalaan ng UK ay handa ng higpitan ang free movement ng mga EU nationals, gayun din ang pagpapabalik sa entry visa.

Sa isang panayam na inilathala noong Linggo sa Sunday Times, si Interior Minister Theresa May ay inihayag ang intensyong i-renegotiate ang directive ng free movement, isa sa mga foundation ng EU: “Ikinatatakot namin na ang paglawak ng EU at ng kalayaan sa unlimited freedom to travel ay maaaring maghatid ng mataas na lebel ng economic migration”, ayon kay Home Secretary, habang ipinaliliwanag na ang rebisyon ay upang labanan ang mga mapanamantala.

Mula sa susunod na taon kahit ang Great Britain ay sisismulang tanggalin ang mga paghihigpit sa pagtanggap sa mga mamamayang Romanians at Bulgarians. Isang bagong pamamaraan na ayon sa ilang eksperto ay maaaring humimok sa maraming workers mula EU.

Ang anumang paghihigpit sa entry ay sinang-ayunan din ni Prime Minister David Cameron. "Naniniwala ako sa free movement – ayon dito sa pamamagitan ng BBC1 – ngunit dalawang linggo na ang nakakaraan ng binisita ko ang dalawang pabrika, sa unang linggo ay aking tinanong kung gaano karami ang mga workers mula sa EU? Sa una ay 60%, ang isa ay 50%. Marami na tayong walang trabaho sa ating bansa … "

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Merienda during sight-seeing, ipinagbabawal sa Rome

Ano ang liquidazione o TFR? Sino ang maaaring tumaggap nito?