in

Mga OFW, hindi na magbabayad ng terminal fee simula April 30

Magandang balita para sa mga overseas Filipino worker (OFW) dahil sa libre na ang kanilang terminal fees at hindi na mahihirapang pumila pa para ma-refund ito.

 

Marso 16, 2017 – Bagaman exempted sa pagbabayad ng P550 na Passenger Service Charge, mas kilala sa tawag na terminal fee ang mga Ofws, ito ay nananatiling binabayaran pa rin dahil ito ay kasama sa presyo ng Airline ticket, at pumipila pa para sa refund ang bawat Ofw na lalabas ng bansang Pilipinas.

Ngunti simula April 30 ay tapos na ang kalbaryo ng mga Ofws sa pagpila dahil sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Manila International Airport Authority at Airline companies kung saan nasasaad na hindi na pagbabayarin ng P550 terminal fee ang mga OFWs.

Kailangan lamang ideklara na sila ay mga Ofw at mag-prisinta ng mga dokumento na magpapatunay dito tulad ng valid employment contract o isang recent pay slip.

Sa ilalim ng nasabing agreement, lahat ng Ofws ay hindi na magbabayad ng halagang nabanggit sa kanilang pagbili ng face to face ng airline ticket. Samantala, para naman sa online purchase, ang exemptions ay magsisimula sa katapusan ng July ng taong kasalukuyan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto flussi 2017: Ihanda ang aplikasyon, narito ang mga forms

Bagong 50 euro banknote, nasa sirkulasyon simula April 4