in

Mga OFW sa Pinas na pabalik ng Italya, nagpahayag ng pag-aalala

Umabot sa 25,000 reached, 8600 interactions, 103 shares, 306 comments ang post kaugnay sa mga humihingi ng Diplomatic Assistance na maaring ibigay ng Embahada ng Pilipinas sa mga mangagawang pabalik ng Italya. Tinatayang hihigit sa 300 Ofws sa ngayon ang nasa Pilipinas na gusto ng bumalik para magtrabaho at makasama ang pamilya sa Italya.

Sa ginawang survey na isinagawa ng Ako ay Pilipino, binaha ng pagtatanong kung paano ang kanilang gagawin para makababalik sa Italya. Halos lahat ay naglathala din ng mga pangalan, syudad na pangagalingan, airlines na sasakyan, saan syudad sa Italya bababa, at samot-saring katanungan. Marami din ang nagdetalye pa ng kanilang sitwasyon, ilan sila na bibiyahe at anong mga kadahilanan.

Ako po si Jocelyn P., taga Baliuag Bulacan. Need ko na rin pong makabalik ng Roma. Jan. 30 pa ako dito kasi namatay mother ko at March 16 sana ang balik ko. Twice ng naka cancelled ang flight ko at wala pa ring byahe ang Emirates until now. Need ko po sana ng assistance para makabalik ng Roma”.

My wife too missed her flight yesterday afternoon (Quatar airlines). We are from Bicol and my sister has a car but the PNP denied our request to issue us a travel pass. Ang pinamasakit bibili na ulit kmi ng ticket bago sya makaalis”, ayon kay C.A. 

Marilyn E. taga Estrella, San Pedro, Laguna, baka po matulungan ako na makabalik sa Italya dahil naiwan ko po doon ang pamilya ko, nag-apply po ako sa Owwa Akap pero wala po reply”.

Ilan lamang ito sa hinaing ng mga umuwing Ofws na lalong naging komplikado ang sitwasyon dahil nagbabantang magdeklara ng Total Lockdown ang Pilipinas. Samantalang sa Italya ay inaasahan na gradwal ng magbubukas ng mga piling negosyo at pagpapagana ng transportasyon. Paubos na rin ang mga vacation leave na ibinigay ng mga employer sa mga pansamantalang pinatigil sa trabaho. Kaya nagdaragdag sa pagpupursigi na makabalik na sa Italya, may trabaho man o wala ngunit lalong higit ay para makapiling ang pamilyang naghihintay doon. Dagdag pa ang mga permit of stay na pinag-abutan ng pagkapaso, mapapasong permesso o permit to stay, pasaporto at iba pang mahahalagang dokumento sa pagbiyahe at pagtatrabaho. Bagamat pinahaba (extended) ang bisa ng permesso di soggiorno sa Italya, wala naman malinaw na kautusang pwedeng panghawakan ang mga Ofw.

Kaya ang mga mangagawang nagnanais ng makabalik sa Italya ay nagtatanong, humihingi at umaasang may tulong mula sa Embahada sa Roma at Konsulato sa Milan. Inaasahan ng mga pamilya at mga pabalik na Ofw sa Italya ang binitiwan salita ni Ambasador Domingo Nolasco na 24 oras na naka-monitor ang Embahada ng Pilipinas sa Roma sa sitwasyon ng mga Pilipino. Ito ay matapos makapanayam sa isang On Line Program ng DFA si Nolasco ni Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Arriola at Undersecretary for Strategic Communication Ernesto Abella

Matatandaan na nauna na itong iminungkahi ng Task Force Covid19 Ofw Watch sa Department of Foreign Affairs ang ganitong mga posibilidad. Sa katunayan, hiniling ng network ng mga boluntaryato na masiguro sa Italian Government na walang magiging kaso o problema sa pagbabalik ng mga Ofw sa bansang Italya. Nangako naman naman ang Task Force Covid19 Head Nonieta Adena na“isa isang ipaabot sa Emabahada at Konsulato ang kanilang kahilingan para maaksyonan ito batay sa hinihinging tulong” batay na rin sa bukod na nag-viral din na survey na ginawa ng grupo para sa paghingi ng Diplomatic Assistance. 

Kaugnay naman ng kahilingan para sa repatriation ng mahigit 100 OFW, sinabi rin ng Amabasador Nolasco, sa nabanggit na panayam na may 16 mula sa kanyang hurisdiksyon ang kasama sa tutulungan ng DFA para makabalik ng Pilipinas. Wala naman bilang pa na inilalabas ang Konsolato sa Milan kung ilan ang kanilang naaprubahan mula sa mga nagpalista. 

Gayunpaman, para sa mga OFWs sa Italya na nangangailangan ng tulong at mga Ofws na nasa Pilipinas sa ngayon na nagnanais makabalik ng Italya, amin pong iminumungkahi na magpadala ng email o komunikasyon (kung saan nasasaad ang inyong buong pangalan at anumang tulong na inyong kinakailangan tulad ng Repartiation mula Italya pa Pilipinas o Diplomatic Assistance upang makabalik sa Italya mula sa Pilipinas) sa dalawang tanggapan (Embassy at Consulate) at maging sa social media Messenger ng OFW Help spang makarating ang mga pangangailangan sa kinauukulan. (ni: Ibarra Banaag)

Philippine Embassy in Italy:

rome.pe@dfa.gov.ph and romepe2007@gmail.com 

Philippine Consulate General in Milan:

milan.pcg@dfa.gov.ph and philcongenmilan@gmail.com

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gaano kahalaga ang 200 dolyar tulong pinansyal ng DOLE?

Kaibahan ng Allergic Reaction sa Coronavirus Infection?