Marso 6, 2012 – Ang halos 65,000 mga Pinay na domestic helpers sa Singapore ay obligado nang magkakaroon ng day-off kada linggo simula sa Enero 2013.
Ito ay ayon sa Singapore Ministry of Manpower, at sinabing ang weekly rest day requirement ay para sa mga foreign domestic workers na may mga work permit na inisyu o ni-renew ng January 1, 2013.
Batay sa bagong kautusan, kailangang diumanong magkaroon ng “mutual agreement” ang amo at domestic helper kung gusto nitong pagtrabahuhin ang maid sa kaniyang day-off na dapat tapatan ng bayad.
Matagal nang isinusulong ng mga non-governmental organizations at mga gobyerno ng mga bansang pinanggagalingan ng mga DH ang pagkakaroon ng day-off ng mga house helpers katulad ng ipinapatupad sa Hong Kong.
Ikinatuwa naman ni Philippine Embassy to Singapore charge d’affaires Neal Imperial ang bagong kautusan ng Singapore government.