in

OFW napiling torchbearer sa 2012 Summer Olympics sa London

Sipag, determinasyon at lakas ng loob, mga katangiang naging daan upang makamit ang pangarap.

altMANILA, Philippines –,Isang OFW sa UK na si Reymund Enteria ang magbibigay muli ng karangalan sa Pilipinas matapos mapili bilang isa sa mga tourchbearers sa Summer Olympics 2012 sa London.

“Sipag, determinasyon at lakas ng loob diumano ang mga katangian na naging daan upang makamit ni Reymund, ang pangarap maging torchbearer sa 2012 Summer Olympics sa London,” ayon sa panayam ng “24 Oras”.

“Sa murang edad pa lamang namulat na si Reymund sa hirap ng buhay. Bata pa lamang ay tinutulungan na niya ang kaniyang ina na maglako ng ulam. Nangarap hanggang makatapos sa kursong Occupational Therapy. Sandali lang nagtrabaho sa bansa si Reymund hanggang makapagtrabaho ito sa Saudi Arabia at ngayon ay nasa isang ospital na sa London.”

Masayang ikinuwento ni Reymund o mas kilala sa tawag na Apol, na hindi niya pinansin ang advertisement na naghahanap ng torchbearer nang una niya itong makita.

“One night, mga around August po yata ‘yun, noong nag-i-scan ako ng magazine I read na kailangan nila ng inspiring individual. Hindi ko naman po naisip ang sarili ko na i-promote as inspiring kasi nga wala pa naman akong nagagawa pero naisip ko agad ‘yung mga overseas Filipino workers,” ayon kay Reymund sa panayam.

Nagbago ang kanyang isip nang makita niyang ang hinahanap na torchbearer ay isang taong ang buhay ay maaaring maging inspirasyon ng nakararami. Isinulat niya ang buhay niya bilang anak ng OFW at bilang OFW. Disyembre noong nakaraang taon nang tanggapin niya ang mensahe na isa siya sa mga napili para maging torchbearer.

Nag-iwan si Apple ng mensahe para sa mga nangangarap na tulad niya. “Wag mawalan ng pag-asa ito ang susi sa pagkamit ng tagumpay,” pagtatapos pa ni Apol sa panayam.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nanay Doring, di pa rin natatagpuan

Volunteers, umpisa na ng registration bilang beneficiary ng 5 per 1000