in

OFW, natagpuang patay sa eroplano

Dumating ng Maynila noong Miyerkules ang Gulf Air plane lulan ang pasaherong natagpuang walang buhay sa loob ng banyo ng nasabing aeroplano. Ang pasahero ay kinilalang si Marlon Cueva, 36, isang Pilipino at isang OFW, ayon kay Senior Superintendent Napoleon Cuaton, Pasay City Chief of Police.

Si Cueva, ay isang taon ng OFW bilang electrician worker.  Sya ay nakasakay sa Gulf Air’s Flight 154 mula Bahrain, ito ay isang connnecting flight pa Maynila mula Abu Dhabi.

“Hindi daw mapakali, umiikot ikot sa eroplano at nagsasabing ‘patawarin ako at marami akong kasalanan’,” ang paulit ulit na pahayag ni Cueva na hindi naman binanggit ang kanyang mga naging kasalanan.

Ilang minuto bago tuluyang bumababà ang eroplano ng mapansin na wala si Cueva sa kanyang kinauupuan at natagpuan siyang may tali sa leeg na nakaupo sa lavatory mismo.

Isang nurse ang nag volunteer upang mag cardiopulmonary resuscitation (CPR), ngunit huli na ang lahat.

Patuloy ang pag iimbistiga ng mga awtoridada sa mga pangyayari.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PNoy, ginagamit raw ni Ai ai sa publicity!

DIRECT HIRING, Meron na ba?