Dumating sa Pilipinas ang pangatlong batch ng mga Pilipino na nangangamba sa kanilang kalusugan.
MANILA – Dumating noong Linggo, Marso 6 sa NAIA ang 510 OFWs mula Madagascar na kasalukuyang sumasailalim sa mga pagsusuri. Ito ay dahil sa pangangambang mayroon silang malaria outbreak. Sa kasalukuyan, ay pinag-aaralan ng mga opisyal ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) kung isasailalim sila sa quarantine.
Ito ang pangatlong batch ng mga Pinoy na nagdesisyong umuwi ng bansa dahil sa pangambang tamaan sila ng malaria.
Gayun pa man, ayon sa DFA (Department of Foreign Affaairs) nasa mahigit sa 2,000 Pilipino pa ang nasa Madagascar, bukod sa naunang 900 dumating ng bansa na pawang nangamba sa kanilang kalusugan.