in

OFWs, pinagbawalang magtrabaho sa 41 bansa

Ang Pilipinas ay pinagbawalan ang mga Pilipino sa pangingibang bayan para magtrabaho sa halos 41countries na di-umano’y hindi nagbigay ng sapat na mga safeguards upang protektahan ang mga mangagagwa mula sa pang-aabuso.

altNoong nakaraang Miyerkules ang Department of Labor and Employment sa isang board resolution ay nag-post sa kanilang website at sinabing mayroong 41 mga bansang naka-blacklist dahil sa hindi pagpirma ng mga ito sa mga internasyonal convention bilang proteksyon sa mga banyagang manggagawa.

Ayon naman sa Labor Secretary Rosalinda Baldoz noong nakaraang Huwebes ay pansamantala lamang ito. ‘”This could be temporary because if they adopt their own laws, set up concrete measure for protection, bilateral agreements, then the DFA (Department of Foreign Affairs) can make another assessment once they find that the conditions are no longer existing, they can certify ok na ulit.”

Ayon sa DOLE ay mayroong 1.4 million Filipinos ang nangibang bayan sa taong 2010. Walong milyong OFWs ang naninirahan at nagta-trabaho sa ibang bansa, at kalahati sa kanila ang mga temporary workers. Samantala halos 700,000 naman ang mga OFWs na undocumented. Ang kanilang mga remittances ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa.Ngunit hindi malinaw kung paano ang deployment ban ay maaaring makakaapekto sa ekonomiyang bansa.
 

Ayon naman kay Baldoz, ang deployment ban ay magkakaroon diumano ng minimal impact lamang sa hiring ng mgaOFWs. Makakaapekto lamang ito sa mga new hires at ang mga may existing na kontrata ay hindi makakansela. “OFWs hired by multinational companies (MNCs) in the 41 countries are not covered by the ban”, dagdag pa nito.

Matatandaang sa nakalipas ay ipinagbawal ang deployment sa ilang mga bansa, ngunit maraming Pilipino pa rin ang umaalis ng bansa upang magtrabaho sa pamamagitan ng mga iligal agencies.

Ang 41 non-compliant territories ay ang mga sumusunod:

Afghanistan
Antigua and Barbuda
Barbados
Cambodia
Cayman Islands

Chad
Croatia
Cuba
North Korea
Dominica

Timor Leste
Eritrea
Haiti
India
Iraq

Kyrgyztan
Lebanon
Lesotho
Libya
Mali

Mauritania
Montenegro
Mozambique
Nauru
Nepal

Niger
Pakistan
Palestine
Serbia
St. Kitts and Nevis

St. Lucia
St. Vincent and the Grenadines
Sudan
Swaziland
Tajikstan

Tonga
Turks and Caicos
Tuvalu
US Virgin Islands
Vanuatu

Zimbabwe

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Inay, ako’y aalis…..ako’y babalik at ‘di na muling aalis”

Para sa mga colf at care givers, additional na 0,03 cents sa kontribusyon