in

Patakaran para sa mga OFWs na darating sa Pilipinas simula Pebrero 1

Nagkaroon ng ilang pagbabago simula Pebrero 1 sa mga patakarang ipinatutupad para sa mga Ofws na darating sa Pilipinas. Hindi na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gagawin ang swab test, bagkus ay sa quarantine facility na. 

Narito ang mga hakbang na dapat gawin ng mga Ofws

  1. Ilang araw bago umuwi sa Pilipinas, ang mga overseas Filipino worker (OFWs) ay kailangang magparehistro online sa Philippine Red Cross para makakuha ng QR code. Narito ang link: https://e-cif.redcross.org.ph
  2. Pagdating sa NAIA, dadaan ang Ofw sa body temperature scanner. Sakaling may sintomas, ang Ofw ay ihihiwalay ng Bureau of Quarantine. Kapag wala naman ay ididiretso ang Ofw sa briefing area
  3. Ang Ofw ay ia-assign sa accredited na hotel o quarantine facility kung saan mananatili ng 7 araw. Sa ika-anim na araw ay isasailalim sa swab test ang Ofw sa quarantine facility na tutuluyan. 
  4. Inaasahang lalabas ang resulta sa loob ng isang araw. Kung kaya’t 7 araw ang pananatili ng Ofw sa quarantine facility.
  5. Kapag negatibo, ay ipagpapatuloy ng Ofw ang mga natitirang araw ng mandatory 14-day quarantine sa local government unit. Matatandaang noon ay pinatatapos sa mga Ofws mula sa mga bansang may COVID-19 variant ang kanilang 2 linggong quarantine, negatibo man ang resulta ng test.

Kaugnay nito, papayagan na ring pumasok sa bansa ang mga foreign passport holder mula sa mga bansang may naitalang bagong COVID-19 variant kung may valid Philippine visa, foreign dignitary, o may asawa, anak o magulang na Philippine passport holder na kasama sa flight.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga darating sa Pilipinas na banyaga ay dapat mayroong valid visa para makapasok sa bansa maliban na lamang sa mga kuwalipikado sa Balikbayan program o Republic Act No. 6768.

Sa ilalim ng Balikbayan program, ang mga dating Filipino nationals at miyembro ng kanilang pamilya ay pinapayagang pumasok sa Pilipinas at magtagal sa loob ng isang taon kahit walang visa.

Gayunpaman, ang mga foreign travelers ay kailangan din na mayroong pre-booking hotels para sa quarantine at sasailalim  sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa ika-anim na araw makalipas ang kanilang pagpasok sa Pilipinas.

Sinu-sino ang mga foreign nationals na pinapayagang makapasok ng Pilipinas?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagpunta sa ibang rehiyon Ako Ay Pilipino

Pagpunta sa ibang rehiyon, may pahintulot na ba?

Ako Ay Pilipino

Hotel quarantine facility at swab test pagdating sa Pilipinas, libre ba?