in

Philippine Embassy sa Roma, Nanawagan sa mga Overseas Active Voters na Bumoto!

Nanawagan ang Philippine Embassy sa Roma sa mga overseas active voters na bumoto sa kasalukuyang Online Voting kung saan pipili ng 12 Senators at 1 Party list.

WALA NG BALOTA dahil sa Rome, Milan at Vatican City (kabuuang 77 posts sa buong mundo) ay may bagong paraan ng pagboto. Hindi na gagamit ng balota bagkus ay online na boboto ang mga registered overseas voter gamit ang cellphone, tablet, laptop o computer na may built-in camera. Samakatwid, wala ng darating na balota o hindi na pupunta sa embahada/konsulado para bumoto.

Sa isang interview, ipinaalala ni PE Rome, Consul General Randy Arquiza, sa lahat ng mga OFWs sa Italya na May 10 ang deadline para sa mga hindi pa nakakapag-register sa pre-voting registration. Ito ay extended sa halip na May 7.

Aniya dalawa ang mahalagang hakbang at petsa ang dapat tandaan ng mga OFWS

  • Pre-voting enrollment – na magtatagal hanggang May 10, 2025, 5:59 pm (Italy Standard Time)
  • Online Voting – May 12, 2025, 1:00 pm (Italy Standard Time).

Nagsimula na po ang Online Voting para sa National Election, kung saan ang mga registered overseas ay boboto hanggang May 12, 2025, 1:00 pm (Italy Standard Time)”.

Basahin din: Halalan 2025: Narito ang bawat hakbang para sa Pre-Voting Enrollment at Online Voting

Panawagan niya na gamitin natin ang ating karapatang makapili ng karapat-dapat na manungkulan sa ating bansa at bumoto para sa ating mga kandidato. “Let’s come out in full force”, pagtatapos ni Consul General Randy.

Matatandaang ayon sa datos ng Embahada ng Pilipinas sa Roma noong nakaraang Presidential election noong Mayo 2022, umabot sa 16,866 ang mga bumoto o ang 44.53% ng kabuuang 37,874 na rehistradong botante sa sa hurisdiksyon ng Embahada ng Pilipinas sa Italya – kasama ang Roma (South Italy), Milan (North Italy), Malta at Albania. 

Para sa Mid-term Election naman, inilathala ng COMELEC sa kanilang official website, may bilang na 18,647 ang mga overseas active voters sa Roma, 19,773 sa Milan at 492 naman sa Vatican. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang social meda page ng Philippine Embassy Rome at Philippine Consulate General Milan

Basahin din: Registerd Overseas Voter ka ba? Handa ka na ba sa Online Voting?

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

SB19, Sikat na P-Pop Group, Pasok sa iTunes Italy Charts!