Walang nasugatang Pinoy ngunit kinakatakutan na maaaring umabot sa Pilipinas ang tsunami
Solomon Island – 7 Marso 2011- Walang inulat na nasugatan sa naramdamang lindol na may 6,6 magnitude sa Solomon Island kaninang umaga (Manila time).
Ayon kay Philppine Embassy to Papua New Guinea charge d’affaires Bolivar Bao, hindi nag-iwan ng malaking pinsala ang lindol. "Malayo sa tirahan ng mga Pilipino ang nangyaring lindol, at nangyari ito sa dagat. Naramdaman nila pero di gaano kalakas," Ayon pa sa kay Bao sa isang interview.
May 300 mga Pinoy ang nagta trabaho sa Solomon Islands at karamihan sa kanila ay nasa construction at may sariling business.
Samantala, ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ay nanganagmbang umabot sa Pilipinas ang nasabing tsunami.