in

Pinay nurse, special mention sa State of the Union Address ni Obama

Pinarangalan ni US President Obama ang pagiging huwaran ng isang Pinay nurse sa oras ng kalamidad sa kanyang talumpati.

Pebrero 18, 2013 – Sa napakahalagang State of the Union Address ng US President Barack Obama ay isang Filipina nurse ang special mention sa talumpati nito kamakailan.

Katabi ni First Lady Michelle Obama at ni Jill Biden, asawa ni VP Joe Biden si Menchu De Luna- Sanchez, ang nurse na Pilipina na nagligtas sa 20 sanggol ng neo-natal intensive care unit (ICU) ng New York University’s Langone Medical Center habang nananalanta si Hurricane Sandy.

"We should follow the example of a New York City nurse named Menchu Sanchez, when Hurricane Sandy plunged her Hospital into darkness, she wasn't thinking about how her own home was fairing, her mind was on the 20 precious newborns in her care and the rescue plan she devised that kept them all safe…," ayon sa talumpati ng US President.

May kababaang loob na sinabi ni Sanchez na para rin sa 80% ng mga nurses sa New York City na pawang mga Pilipino pinapatungkol ni US President ang kanyang talumpati.

Gayunpaman, lubos ang kaligayahan ng nurse at nabigyan ng parangal ang kanilang pagsusumikap at pagmamalaking sinabi na ang mga Pilipino kahit saan mapunta ay nakikilala sa kabutihan, sa values, rispeto sa kapwa at katapatan sa trabaho.

Si Menchu De Luna- Sanchez ay mula Catanauan, Quezon at 25 taon nang nurse sa New York. Nagtapos sa Pilipinas at nagtungo ng Amerika noong 1980’s.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gangnam Style, hindi gagamitin sa mga campaign jingles

Hindi pagdating ng employer, di dahilan sa pagsasara sa proseso ng Regularization 2009