MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sampung embahada at konsulado ang isasara ngayong taong ito. Napipilitan diumano ang pamahalaan sa desisyon ng pagsasara ng mga ito dahil sa kasalukuyang maliit na badget.
Ayon pa sa mga ulat, ang mga isasarang kunsiulado at embahada ay ang mga sumusunod:
Koror, Palau
Caracas, Venezuela
Barcelona, Spain
Stockholm, Sweden
Dublin, Ireland
Frankfurt, Germany
Havana, Cuba
Saipan
Bucharest, Romania
Helsinki, Finland
Isa pang mahalagang factor diumano ay ang matatag na labor laws sa mga bansang nabanggit at kaya ng mga bansang itong protektahan ang mga migranteng Filipino.
“We will devote our scarce resources to where we can achieve greater impact on our national interests. We will realign our limited funds to posts where there are more distressed OFWs, who come to us for help, like in Middle East,” ayon pa kay Hernandez sa isang panayam.
Kabi-kabila ang mga protesta ng mga Ofws na apektado ng mga pagsasara ngunti sinisigurado naman ni Hernandez ang pagkakaroon ng mga honorary consul, na makakatulong sa mga Ofws.