in

TRAZE Contact Tracing App, dapat i-download ng mga returning Ofws

traze Ako Ay Pilipino

Kamakailan lamang ay naglabas ng kautusan ang Department of Transportation o DoTr na ang lahat ng mga airport passengers, kabilang ang mga returning Ofws, pati na rin ang mga airport personnel ay kinakailangang mag-download at magrehistro ng account sa TRAZE Contact Tracing App mula noong ika-28 ng nobyembre taong kasalukuyan. Ang kampanyang ito ng nabanggit na dipartimento ay bahagi ng programa ng gobyerno laban sa covid19. 

Malinaw na sinabi ng DoTr na bago pa man magsagawa ng plano ng byahe at magpunta sa mga paliparan sa loob ng bansa ay kinakailangang ang mga biyaheros ay nakapagdownload at nakapagrehistro na sa nasabing bagong APP

Ngunit marami ang nagtatanong: ano nga ba itong contact tracing app na ito? Bago sa pandinig at isang bagay na kailangang matutunan lalo na ng mga hindi “high-tech people”.

Ang TRAZE ay isang nationwide at unified contact tracing App na inilunsad ng Philippine Ports Authority sa pakikipagtulungan ng Comotec Philippines Incorporated. Ang APP na ito ay naglalayong mas palakasin at pag-ibayuhin ang contact tracing na isinasagawa ng gobyerno. 

Dahil sa bagong app na ito mas mapapabilis ang contact tracing hindi tulad ng dating manual na proseso. Ligtas din umano ang mga datos at personal na impormasyon dahil sa nirerespeto ng App ang R.A. 10173, ang batas na nangangalaga sa pribadong datos. Ang APP na ito ay hindi gumagamit ng bluetooth o kaya ng GPS at gumagana ng maayos kahit ang gamit ay slow mobile data at wifi. 

traze Ako Ay Pilipino

Paano ito gagamitin? Narito ang ilang hakbang na dapat sundin.

Step 1.  I-download ang TRAZE APP mula sa mobile store.  Ito ay maaring idownload na libre sa google play o kaya ay sa App store sa mga gumagamit ng dispositibo ng kumpanya ng Apple.

Hanapin ang “TRAZE Contact Tracing” at maari na itong idownload na walang kailangang bayaran.

Step 2.  Click “START TRAZING”. Basahin ang Terms of agreement at iclick ang “I AGREE”

Step 3. Magrehistro ng Account.  Matapos makapag download ng APP ay kinakailangang magrehistro ng personal na account  at diretso na itong i-activate.  I-click ang menu na may nakalagay na “NO ACCOUNT YET?” sa may bandang kaliwa sa ibaba ng APP. Isunod ang “REGISTER” at magrehistro dipende sa kategoryang kinabibilangan. Maaaring magrehistro bilang “Individual, Business, Government office , barangay, transportation  or delivery crew. Kadalasan ang mga ordinaryong pasahero ay kabilang sa kategorya ng “INDIVIDUAL”.

Step 4.  Fill-up ang mga required na fields para makagawa ng sariling account. Huwag kalimutang mag upload ng sariling litrato sa pamamagitan ng pagkuha ng “selfie” at pindutin ang “submit” para makumpleto ang isinasagawang pagrehistro. 

Tandaan na para matapos ang pagrehistro ay kinakailangan din i-activate ang bagong account na magagawa sa pamamagitan ng pagpasok sa account at i-tap ang “TRACE ME”. Magbubukas ang isang setting ng activation at click ang“Activate Account”.

Step 5. Ilagay ang VERIFICATION CODE na nakalagay. Sa puntong ito ay “Activated” na ang account. Mahalagang naka-connect sa internet upang maactivate ang account. 

Pano gagamitin ang TRAZE? Mag- LOGIN  sa account gamit ang USERNAME at PASSWORD. I-scan ang QR Code na nakalagay sa mga designated areas sa mga airports. Sa ganitong paraan, kapag may naidentify na Covid19 patient, may in-app notification na ipapadala sa mga taong maaaring nagkaroon ng contact sa pasyente upang maobserbahan ang self-isolation procedure at iba pang mga dapat na sundin upang mapangalagaan ang pansariling kalusugan.

Ano naman ang dapat gawin ng mga walang smartphone?

Ang mga walang posibilidad na makapag downlaod ay maaaring magsadya sa Malasakit HELP DESK na nasa mga airports para magpatulong sa pagrehistro. Bibigyan sila ng tinatawag na “Unique QR Code”.  Ang nabanggit na HELP DESK ay matatagpuan sa terminal entrance at arrival area ng airports sa bansa. 

Ang mga pasahero na papasok sa Pilipinas  mula sa ibang bansa ay pinapayuhang magdownload na ng APP bago pa man magsimulang bumiyahe.  

Kung hindi posible ang pagpunta sa Help Desks, isang option din ay ang paghingi ng tulong sa mga kaibigan o kamag-anak para makapagrehistro.

Sa  simula ay magiging functional ang TRAZE App sa mga pangunahing international airports tulad ng Ninoy Aquino International Airport, Clark Internationl Airport, Mactan-Cebu International Airport, at Davao International Airport. Sakop din ng contact tracing ang mga ahensya na nasa ilalim ng DoTR Aviation at sektor ng airport tulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Civil Aeronautics Board.

Hinihikayat ang lahat na makiisa sa kampanya ng gobyerno upang masugpo o mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus na ito. Ito lamang ang natatanging paraan upang maiwasan ang paglala ng pandemyang hinaharap ng buong mundo. (ni: Quintin Kentz Cavite Jr. – Photo: Dominik Mariani)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

revisione auto Ako ay Pilipino

Deadline ng Revisione Auto, nilinaw ng Ministry of Interior

ako-ay-pilipino

Holiday sa domestic job, narito ang nasasaad sa National Domestic Work Contract