Ang lahat ng mga darating sa Pilipinas mula sa ibang bansa, ay kailangang sumailalim sa mandatory COVID-19 testing at mandatory quarantine sa mga government quarantine facility o hotel na accredited ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Kaugnay nito ay nagpapatupad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng QR Code System para mapabilis ang proseso ng mga nasabing mandatory health protocols pagdating sa Pilipinas.
Lahat ng mga darating sa Pilipinas mula sa ibang bansa ay pinapayuhang sagutan ang Electronic Case Investigation Form (e-CIF) upang makakuha ng QR Code bago lumapag sa NAIA.
Narito ang mga hakbang kung paano magkakaroon ng QR Code:
1. Buksan ang internet browser at i-type ang ecif.redcross.com.ph.
2. Sagutan ang form at i-click ang Submit.
3. I-screenshot o i-print ang kopya ng QR Code.
4. Ipakita ang QR Code habang sumasailalim sa health assessment para sa COVID-19 testing sa airport.
Narito ang FAQ ukol sa Electronic Case Investigation Form o e-CIF
1. Bakit kailangan i-fill-up ang e-CIF?
Ito ay para masigurado na ang sinumang galing sa ibang bansa at papasok sa Pilipinas ay dadaan sa pagsusuri para sa covid-19 upang lalong maagapan ang paglaganap ng nasabing sakit sa Pilipinas.
2. Kailan dapat i-fill-up ang e-CIF?
Ito ay kailangang sagutan bago dumating sa immigration. Tatlong (3) araw bago ang iyong pagdating sa Pilipinas maaari na itong masagutan sa e-cif.redcross.com.ph
3. Sinu-sino ang obòigadong mag-fill-up ng e-CIF?
Ang sinumang papasok sa Pilipinas, galing sa ibang bansa ay obligadong i-fill-up ito.
4. Ano ang mangyayari kung dadating sa Pilipinas at hindi pa nasasagutan ang e-CIF?
Tatagal at hahaba ang proseso ng immigration para sa iyo. Kakailanganin mo pa rin itong sagutan at isumite online bago ka maaring dumiretso sa immigration.
Mga dapat tandaan:
- Siguraduhing hawak ninyo ang inyong pasaporte habang sinasagotan ang mga detalye ng CIF form. Siguraduhin na tama ang mga ispeling ng lahat ng detalye upang hindi maantala ang pagpapadala sa inyo ng resulta ng COVID-19 test.
- Pagdating sa Pilipinas, ang lahat ng pasahero ay sasailalim sa swab test (RT PCR COVID-19 testing) na isasagawa ng mga nagsanay na mga tauhan ng Bureau of Quarantine (BOQ).
- Ang bawat pasaherong kakarating lamang ng Pilipinas ay kinakailangang sumailalim sa kwarantina sa mga pasilidad na sertipikado ng gobyerno bilang quarantine sites hanggang matangap ninyo ang resulta na kayo ay negatibo sa COVID-19 test. Kayo rin ay obligadong magpalipas ng labing apat na araw na kwarantina sa kanya-kanyang ninyong mga bahay.
- Ang mga pasaherong magpopositibo sa COVID-19 ay dadalhin sa isa sa mga itinalaga ng gobyernong COVID-19 Treatment Facility upang mabigyan ng karampatang atensyon at pag-aalaga.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang: https://e-cif.redcross.org.ph/