Rome, Abril 27, 2012 – Nanawagan ang grupong US Pinoys for Good Governance sa pamumuno ni Loida Nicolas Lewis noong nakaraang Huwebes sa planong worldwide protest sa mga tanggapan ng Chinese Embassy at consulates ng mga Filipino sa bawat sulok ng mundo na gaganapin sa May 11.
Ito ay dahil sa hindi makatarungang ikinikilos ng China na may kinalaman sa Scarborough Shoal ng Pilipinas.
Mabilis naman ang naging tugon ng mga bansang Hong Kong, Singapore, Canada at Australia. Inaasahan din ang pakikiisa ng mga Pinoy buhat sa bansang Washington DC, New York, Chicago, San Francisco, Los Angeles, Houston, Vancouver, Sydney at Rome.
Panawagan din ng USP4GG sa Global Filipino Diaspora Council (GFDC) na kumakatawan sa 12 milyong Filipinos sa 220 bansa sa mundo na suportahan ang Pilipinas dahil ang Scarborough Shoal ay matatagpuan sa mapa ng Pilipinas buhat pa noong 1743.