in

Omicron 5 at ang mga sintomas nito

Ako Ay Pilipino

Ang Omicron 5 o BA.5 ay ang pinakanakakahawang variant ng Covid. Nagagawa nitong malampasan ang immune defense hatid ng mga bakuna. At ang mga nagkasakit na ng Covid ay maaaring muling mahawahan nito kahit pa ang mga nakatanggap ng tatlong dosis ng bakuna kontra Covid. Bukod dito, ayon sa virologist na si Giorgio Palù, presidente ng AIFA – Agenzia Italiana del Farmaco – ay may kakayahan ding makatakas ang Omicron 5 kahit sa 4th dose ng bakuna.

Sintomas ng Omicron 5

Ayon kay infectious disease specialist Matteo Bassetti, ang bagong variant ng Omicron ay banayad ang mga sintomas, ngunit marami ang infected. At sa Autumn ay maaaring magkaroon muli ng pagtaas sa admission sa mga ospital. Aniya, kakailanganin muli ang pagbabalik ng mga protective mask at marahil ang pagbabakuna sa populasyon. 

Gayunpaman, para sa eksperto kailangan aniya nating mamuhay na kasama ang virus na ito. “Ang ibang mga bansa ay nakaranas ng hypercirculation ng Omicron 5 nang walang alarma: maraming infected, ngunit banayad ang mga sintomas kumpara sa orihinal na virus. Pagkatapos ng 3 o 4 na araw ng lagnat, pananakit ng lalamunan at pagkapagod, lahat ay lilipas at gagaling”. Dagdag pa niya, kailangan nating harapin ito ng kalmado sa Italya. 

Ang Omicron 5 ay inaasahang mangungunang variant sa bansa. Ito ay isang ‘adapted’ virus na nanatili sa daanan ng hangin, pagkatapos ay nagiging sipon, naghahatid ng pananakit ng ulo at sa ilang kaso ay nagsasanhi ng dysentery (bagaman mahina lamang). Ito ay dahil karamihan sa populasyon ay nabakunahan na, o nagkasakit na, o nabakunahan, nagkasakit at gumaling na. Kaya bagaman hindi napigilan ang impeksyon, ito ay nag-garantiya ng mahinang epekto. 

Ang virus na ito ay napabilis makahawa, mas mabilis pa kaysa sa tigdas at bulutong-tubig. Tandaan na ang Wuhan variant, ang orihinal, ay may transmission rate na 2.5, habang ang Delta na 7. Samantala, ang isang taong nahawaan ng Omicron 5 ay maaaring makahawa mula 15 hanggang 17 katao.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italya, nahaharap sa matinding tagtuyot

Mas madali at mas mabilis na proseso ng Decreto flussi, aprubado na!