Ang operation ‘Silent 2018’ ay tumutukoy sa pagpapadala ng komunikasyon sa mga employer sa domestic job na hindi nakakasunod sa obligasyon ng regular na pagbabayad ng kontribusyon para sa mga colf, baby sitter at caregivers.
Sa isang pahayag noong October 25, 2018, ay inanunsyo ng ASSINDATCOLF, ang national association ng mga employer sa domestic job, na simula October 20 2018 ay sinimulan ng Inps ang operation ‘Silent 2018’. Ito ay tumutukoy sa pagpapadala ng komunikasyon mula sa Inps para sa mga employer sa domestic job na hindi nakakasunod sa obligasyon ng regular na pagbabayad ng kontribusyon para sa mga colf, baby sitter at caregivers.
Ang mga employer na makakatanggap ng nasabing komunikasyon mula sa ahensya ay pinapaalalahanang suriin ang mga pinagbayaran sa nakaraan upang malaman kung ang follow up letter mula sa ahensya ay may katwiran o maaaring isang pagkakamali lamang sa internal communication.
Gayunpaman, ayon sa asosasyon ay sinuri na muna umano ng Inps ang mga lumabas na komunikasyon at inaasahang hindi na ulit mangyayari ang ‘system error’ na naging sanhi ng malaking paniko sa mga employers noong nakaraang taon.