Inihinto sa North Rhine-Westphalia Germany ang pagbabakuna ng AstraZeneca sa mga ospital. Ito ay matapos sumama ang pakiramdam ng marami matapos mabakunahan.
Ang bakunang AstraZeneca, ayon sa pahayagan na Die Welt, ay nagdulot ng matinding side effect sa North Rhine-Westphalia, Germany.
Marami umanong mga empleyado ng Duchess Elizabeth Hospital of Braunschweig na nabakunahan ng AstraZeneca ang nakaramdam ng side effects ng bakuna, ayon sa Die Welt.
May 88 empleyado ang nabakunahan noong nakaraang Huwebes sa klinika ngBraunschweig. 37 sa mga empleyado ang hindi nakapag-trabaho dahil sa naramdamang side effect ng bakuna. Pareho ang naging karanasan ng mga empleyado sa klinika ng Emden.
Sapat na dahilan upang pansamantalang suspindihin ang pagbabakuna, habang sinusuri ng Paul Ehrlich Institute ang mga kaso. Kahit ang district ng Leer ay nag-anunsyo na hindi na muna magbabakuna ng AstraZeneca.
Gayunpaman, ayon sa Robert Koch Institute (RKI), maaari ring magkaroon ng side effects kahit ang Pfizer/Biontech at Moderna, ang iba pang bakuna laban Covid19.
Ayon sa Robert Koch Institute mayroong 560 ang mga namatay at 7,556 ang mga bagong kaso ng covid19 sa Germany. Ang updated na bilang ng mga biktima ay 66,164 mula sa simula ng pandemya. May kabuuang bilang na 2.350,399 ang mga nahawahan at 129,700 naman ang mga active cases. Ang mga gumaling ay tinatayang nasa 2.154,600.