in

Passport stamps sa Europa, magiging digital na! 

Magiging bahagi na lamang ng nakaraan ang mga passport stamps sa Europa.

Bukod sa pagiging collection, ito ay naging identity para sa mahabang panahon ng maraming non-EU travellers bilang trail ng kanilang adventures sa Europa. Ngunit sa nalalapit na panahon, ito ay tatanggalin at papalitan na.

Ang bagong automated Entry/Exit System (EES), na nakatakdang ilunsad sa November 2023, ay magrerehistro digitally sa mga non-EU travellers, at tatanggalin na ang physical stamps. 

Samakatwid, papalitan ng EES ang kasalukuyang sistema ng manu-manong pag-stamp ng mga pasaporte, na tumatagal ng oras, at hindi nagbibigay ng reliable data sa border crossing at hindi rin nagpapahintulot sa sistematikong pagtuklas sa mga overstayers.

Ano ang EU Entry/Exit System (EES)?

Ang EES ay magiging isang automated IT system para sa pagre-register ng mga manlalakbay mula sa mga third-countries na may visa exemption o may hawak na mga short-stay visa.

At sa tuwing tatawid ang isang traveller sa external border, irerehistro ng sistema ang kanilang pangalan, uri ng travel document, biometric data (fingerprints at facial images) at petsa at lugar ng pagpasok at paglabas. 

Inaasahan na ang automated border control check at mga self-service system ay magpapahusay sa security sa EU. Gayunpaman, ang mga airline companies at ibang bansa ay nakukulangan sa mga paghahanda na maaaring magdulot ng mga problema sa paglulunsad ng sistema.

Ito ay dapat na ilunsad noong nakaraang 2022, ngunit naantala at naging Mayo 2023 at ngayon ay nakatakda naman sa November 2023.

Sa ilalim ng bagong sistema, ang mga manlalakbay na may visa-free access sa Schengen Area ay kakailanganing kumuha ng travel authorization online sa pamamagitan ng European Travel Information and Authorization System (ETIAS). Ito ay lulunsad sa sandaling gumagana na ang EES.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Servizio Civile Universale, aplikasyon hanggang February 20, 2023

Colf, nagbayad ng buwis at multa sa hindi paggawa ng dichiarazione dei redditi